DisenchantedNow's My Bodyguard

646 4 2
                                    

Pinakamabenta sa akin na tema ng alinmang story ay ang empowered women. Empowered women who knew how to defend themselves and how to stand on their own. Kaya naman, ang dalawang susunod na stories na aking babanggitin ay mga stories kung saan ang mga bida ay mga astig na babae.

Una sa mga ito ay ang MY BODYGUARD ni DisenchantedNow.

Hindi ito ang unang story ng author na nabasa ko pero ito talaga ang higit na nagcatch ng attention ko sa kanyang mga works. Hindi din ito ang unang story na nabasa ko with the same theme. In fact, title pa lang ay naremember ko na ang ALL-TIME Favorite Pocketbook ko na THE BODYGUARD ng isang sikat na pocketbook author. Marami silang similarities pero iba naman ang isang ito dahil ang isang ito ay bumubuwag sa isang malaking sindikato.

Habang binabasa ko ito, pakiramdam ko ay nanunood ako ng isang action film. Action film kung saan hindi ang leading lady ang ililigtas ng kanyang leading man kundi ay kabaligtaran.

Although, action ang pinakatheme ng story na ito ay kuhang-kuha pa din niya ang kilig ng bawat eksena.

Kaya’t kung ikaw ay isang fan ng isang astig na babae na marunong din magmahal ay kailangan mong makikilala ang MY  BODYGUARD.

Craziness Over Wattpad: RECOMMENDED AUTHORS/STORIESWhere stories live. Discover now