Chapter 20

20.1K 557 54
                                    


"SO, anong plano mo ngayon?" Tanong ni Brooke sa kanya pagkatapos niyang ikwento rito ang naging engkwentro nila ni Andrea sa shop niya noong nakaraang araw ng tawagan niya ito. Ikweninto din niya kay Brooke na nakita nito si Zeus at iyong naging reaksiyon ni Andrea nang makita nito ang hitsura ng anak niya. "Anong plano mo kapag nalaman ng gagong ex mo na may anak pala kayo?" dagdag pa na tanong ni Brooke.

Hindi naitago ang galit sa boses nito ng banggitin nito ang pangalan ni Andrew. 'Gagong ex' ang tawag nito kay Andrew no'ng sabihin niya rito ang natuklasan niya. Na nakipaglapit lang ito sa kanya para paghigantian ang Kuya Zander niya sa pamamagitan niya.
Dapat daw ay binigyan niya si Andrew ng magkasunod na uppercut ng malaman niya ang totoong dahilan nito kung bakit ito nakipaglapit sa kanya noon para daw kahit paano ay makabawi siya. Dapat daw ay ginamit niya ang pagiging black belter niya sa karate at judo rito.

At simula din no'ng ikwento niya rito ang ginawa ni Andrew sa kanya noon ay gagong ex na ang tawag nito sa lalaki.

"Malalaman niyang may anak lang siya sa akin. Pero hindi siya magiging ama sa anak ko. Hindi ako papayag," sabi niya kay Brooke.

"Paano kapag ipaglaban niya ang anak niya?" Tanong muli ni Brooke sa kabilang linya.

"I'll fight back. Kapag si Zeus ang pag-uusapan ay lalaban ako. Kahit patayan," sagot niya rito ng mariing boses. "At saka ang sobrang kapal naman ng mukha niya kung may lakas pa siya ng loob na ipaglaban ang anak ko pagkatapos ng ginawa niya sa akin? At ipaglalaban niya ang anak ko? Para saan? Para gamitin din niya para maghiganti ulit sa kasalanang nagawa ng Kuya ko noon? Damn him! Baka mapatay ko pa siya kapag nagkataon."

"Mama your mad po?"

Napalingon si Zarina sa kanyang gilid nang marinig niya ang boses ng anak. Nakita niyang naka-pout ang labi nito habang nakatingin sa kanya.

Her face softened as she looked at his son. "Of course not, baby. Mama is not bad."

"Why are you cursing po?" Tanong pa nito.

"Come here, baby." Tawag niya sa anak sa halip na sagutin niya ang tanong nito. Lumapit naman si Zeus sa kanya. Hinaplos niya ang buhok nito. "Uhm, your Mama is not mad, baby. Pinag-uusapan lang kasi namin iyong...iyong pinanuod naming movie ng Ninang mo," pag-a-alibi  niya rito.

Pagkatapos niyon ay nagpaalam na siya kay Brooke. Sinabi niyang tatawagan na lang niya ito mamaya para ipagpatuloy ang pag-uusap nila.

"Akala ko po galit kayo sa akin, Mama," wika ni Zeus sa kanya.

"Bakit naman ako magagalit sa 'yo?" Malambing na tanong niya sa anak.

"Kasi...kasi po kinain ko po iyong chocolate do'n po sa ref," nakalabing wika ni Zeus.

Lihim naman siyang napangiti. "Uhm, magagalit lang si Mama kapag hindi ka nag-brush ng teeth mo. Hindi ba bilin ko sa 'yo na kapag kakain ka ng matatamis ay magto-toothbrush ka ng teeth mo?"

"Magto-toothbrush na nga po ako para di kayo galit sa akin, Mama." Wika ni Zeus. Pagkatapos niyon ay dali-dali itong naglakad patungo sa banyo na nasa loob ng kwarto niya.

Napangiti na lang si Zarina. Her son was so adorable. And she love him so much.

----

GANOON na lang ang gulat ni Zarina ng pagkalabas niya ng opisina sa kanyang shop ay nadatnan niya si Andrea. May kasama itong isang may edad na babae. At sa tantiya niya ay nasa edad singkwenta ito. At base sa resemblance ni Andrea sa may edad na babae ay alam niyang ina nito iyon.

Sabay na napatingin ang dalawa nang makita siya ng mga itong lumabas ng opisina.

"Hi Zarina!" She happily beamed at her.

The Bodyguard (Completed)Where stories live. Discover now