Chapter 1

41.9K 769 27
                                    


Hi! If you have time, kindly visit my youtube channel and subscribe na rin po. Watch niyo na rin po ang mga videos do'n. Thank you!

https://www.youtube.com/watch?v=SdN2OZJDWC8.



"DAD, no! I don't want to!" tutol ni Zarina ng marinig ang sinabi ng kanyang ama na si Zandro. Umiling-iling din siya habang nakatitig rito. "Please...no."

"That's my final decision, Zarina."

Napanguso siya. Gusto din niyang ipadyak ang mga paa pero pinigilan niya ang sarili.  "Dad, why do I need to have a bodyguard? Wala naman akong natatanggap na treat. Even you, Dad!" maktol niya. Tutol kasi siya sa gustong mangyari ng ama sa kanya. Her father wants her to have a bodyguard. At ang rason ng ama ay para daw mabantayan ang mga pinaggagawa niya habang wala ito. May business conference kasi ang Daddy niya sa Hongkong. At aabutin iyon ng isang linggo. Isasama nito Mommy niya. Pagkatapos kasi ng conference nito at magko-crossed country ang mga ito patungo sa England para magbakasyon.

Abala nga siya sa pagmumuni-muni sa kanyang kwarto no'ng ipatawag siya ng ama. Akala niya kung ano ang sasabihin nito sa kanya kung bakit siya nito pinatawag. Iyon pala ay gusto lang nitong ipaalam ang tungkol sa pagkuha nito ng bodyguard para bantayan siya.  Heck? Ano siya teenager na kailangan bantayan?

"Because your pain in the ass, Zarina," sagot nito sa kanya. Ouch! "Your already 25 years old pero daig mo pa ang isang teenager kung umasta," pagpapatuloy na wika ng ama.

Oh? Kaya pala kumuha ang ama ng bodyguard niya dahil ang tingin nito sa kanya ay isa pa ring teenager. She mentally grinned.

"Dad, we only live once. Kaya dapat enjoy natin ang life," hindi naman niya napigilan ang ikomento iyon rito.

"So, pag-e-enjoy ang tawag mo sa pinaggagawa mo nitong nakaraang linggo?" tanong ng ama na nakakunot ang noo. Bubuka sana ang bibig niya para magsalita ng unahan siya ng ama. "So, nag-enjoy ka ba sa kulungan no'ng mahuli kayo ng kaibigan mo ng mga pulis dahil sa ilegal na pakikipagkarera?"

Kinagat naman ni Zarina ang ibabang labi ng marinig niya ang sinabi ng ama. That was one heck experience for her and for her bestfriend--Brooke. Kasama niya ito ng mahuli sila ng pulis dahil sa ilegal na pakikipagkarera. May nagyaya kasi sa kanila na sumali sa isang karera. At dahil sila iyong tipo na game na game sa lahat ng bagay ay sumali sila sa karera. At hindi naman nila inaasahan na mahuhuli sila ng pulis. Sa pagkahuli nga nila ng mga pulis ay na-experience nila ni Brooke na magpalipas ng buong gabi sa kulungan.

"Pag-e-enjoy din ba ang tawag mo sa nangyari sa 'yo noong nakaraang gabi? Someone put a drug on your drinks no'ng nasa club kayo. At kung hindi lang dahil sa lalaking tumulong sa 'yo ay baka may nangyari na sa 'yong masama."

Hindi matandaan ni Zarina ang sinasabi ng ama na tumulong at naghatid sa kanya sa bahay nila no'ng gabing iyon. Epekto siguro ng drugs na nainom niya kung bakit wala siyang matandaan. Nalaman lang niya kinabukasan sa mga magulang ang tungkol sa lalaking tumulong sa kanya.

"So, ganoon ba ang new definition mo ng pag-e-enjoy? Muntik ka ng napapahamak."

"It's part of life, Dad. Hindi iyon maiiwasan."

"Maiiwasan mo ang mga pangyayaring iyon kung mananatili ka lang sa bahay. O, hindi kaya ay tulungan mo ang Kuya Zander mo sa pagmamanage ng business natin." 

"Managing business is not my cup of tea, Dad." sabi niya sa ama. Nang matapos siya sa kolehiyo ay pinipilit na siya ng ama na tulungan ang Kuya Zander niya sa pagmamanage ng business nila. Pero kahit na anong pilit nito ay hindi niya ito sinusunod. Duh? Ayaw niyang maburo sa apat na sulok ng opisina.

The Bodyguard (Completed)Where stories live. Discover now