Chapter 13

20K 579 28
                                    


"SO, ano? Tititigan mo lang ba ako buong magdamag o mag-uumpisa ka na mag-kwento?" Nakataas ang isang kilay ni Brooke habang nakatingin sa kanya. Nandito silang dalawa sa kwarto niya. Makiki-sleep over kasi si Brooke sa kanila at tabi sila na matutulog na dalawa.

Ngumuso naman si Zarina. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang isang unan at inilagay niya iyon sa hita niya. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng unan at nag-umpisang mag-kwento. "Uhm, alam mo naman iyong nangyari sa akin sa bar, di ba?"

Tumango naman si Brooke. "Iyong muntik ka ng mapahamak dahil may gagong lalaking naglagay ng drugs sa inumin mo?" Sabi ni Brooke.

Tumango siya bilang sagot. "At iyong lalaking tumulong sa akin noon ay walang iba kundi si Andrew," pagbibigay alam niya rito.

"Oh," tanging bulalas naman ni Brooke.

Nagpatuloy si Zarina sa pagku-kwento. "Nag-presenta si Andrew no'ng sabihin ni Daddy na balak nitong kumuha ng bodyguard para may magbabantay sa mga kilos ko. Hindi naman na nagdalawang isip si Daddy na kunin si Andrew na maging bodyguard ko dahil nakuha ni Andrew ang pagtitiwala ni Daddy sa pagliigtas niya sa akin noon," patuloy niya sa pagku-kwento. Tahimik lang naman si  Brooke na nakikinig sa kanya. "At nalaman ko iyong reason ni Andrew kung bakit nag-presenta ito na maging bodyguard ko. He said, he wants to be with me. Una pa lang pala ay may gusto na sa akin si Andrew. At no'ng magkaroon ito ng pagkakataon na makalapit sa akin ay sinunggaban na nito," pagpapatuloy niya. Marami pa siyang ikweninto sa kaibigan pero hindi niya sinabi rito iyong namagitan sa kanila. Na isinuko na niya ang bataan kay Andrew. Kahit na bestfriend niya ito ay may bagay pa rin na hindi pwedeng sabihin. Lalo na iyong mga intimate na bagay na dapat isenesekreto lang, na dapat sa dalawang taong involve lang ang nakakaalam. At saka hindi naman siya iyong tipo ng babae na Kiss and tell.

"And then, you fell in love with him kaya naging kayo." Mayamaya ay komento ni Brooke sa kanya.

She sighed. "Aminin ko, at first hindi pa ganoon iyong nararamdaman ko para sa kanya. I'm just attracted to him. At pumayag akong maging kami dahil gusto kong i-explore iyong narararamdaman ko para sa kanya. I want to give him a chance, too. Malay natin, baka kasi siya na pala ang the one ko," sabi niya na may ngiti sa labi.

"So, hindi ka naman nakaramdam ng pagsisisi ng bigyan mo siya ng chance?" Tanong sa kanya ni Brooke.

Mabilis naman siyang umiling. "No," sagot niya. "Wala akong pinagsisihan sa pagbibigay ko ng chance sa kanya. He's super sweet. Sa lahat ng naging boyfriend ko siya ang pinaka-sweet. Kapag kasama ko siya pakiramdam ko ay isa akong prinsesa," sabi niya na may ngiti sa kanyang labi.

"I'm happy for you," komento sa kanya ni Brooke mayamaya. "Basta huwag ka lang niyang sasaktan dahil makikita talaga niya ang hinahanap niya." Dagdag pa na wika ni Brooke.

"Alam ko naman na hindi niya ako sasaktan," kampante na wika niya.

"Dapat lang," ani Brooke. Sa sumunod na sandali ay nag-kwentuhan pa sila sa ibang bagay. Puro tawanan, kiligan at hagikhikan ang tanging ginawa nila. Hanggang sa makaramdam ng antok si Brooke, hanggang sa tulugan siya ni Brooke.

Iiling na lang si Zarina, tulugin talaga itong si Brooke. Hindi ito ang unang beses na tinulugan siya ni Brooke, ilang beses na siya nitong tinulugan kapag nag-i-sleep over ito sa kanila o siya naman ang nakiki-sleep over sa bahay ng mga ito.

Kinumutan niya ito. Pagkatapos niyon ay bumangon siya para patayin ang ilaw. Bumalik siya sa kama at humiga sa tabi ni Brooke. Napatingin naman siya sa cellphone na nasa ibabaw ng bedside table ng umilaw iyon. Kinuha niya iyon para tingnan. Dali-dali niyang binuksan ang message nang makitang si Andrew ang nagpadala sa kanya ng mensahe.

The Bodyguard (Completed)Where stories live. Discover now