Chapter 14

19.3K 456 35
                                    


LIHIM na napangiti si Zarina nang makita ang sariling repleksiyon sa salamin. Sa wakas ay nakontento na rin siya sa sariling ayos niya.

Nag-apply lang si Zarina ng light make-up sa kanyang mukha. Pinapula pa niya lalo ang dati na niyang mapulang labi. Naka-hair braid naman ang mahabang buhok niya. Suot na rin niya ang binili niyang gown kay Lance.

Hindi naman sa pagmamayabang pero, gandang-ganda siya sa sarili sa ayos niya sa sandaling iyon. Sa huling pagkakataon ay pinasadahan pa niya ang sariling repleksiyon sa salamin. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang clutch bag na nasa ibabaw ng kama saka siya lumabas ng kwarto. Nagtuloy-tuloy siyang naglakad hanggang sa makalabas siya ng bahay. Nakita naman niya si Andrew na naghihintay sa kanya sa labas. Nakasandal ang katawan nito sa hamba ng kotse. His arms crossed above his shoulder habang nakatingin ito sa ibaba nito.

"Andrew," tawag ni Zarina sa atensiyon nito. Dahan-dahan namang nag-angat si Andrew ng tingin. At nang magtama ang paningin nilang dalawa ay napansin niyang titig na titig ito sa kanya. Admiration is flickered in his eyes right at the moment. Wala man salitang lumabas sa bibig nito ay alam ni Zarina na nagagandahan din si Andrew sa kanya base na rin sa titig nito.

Lihim namang napangiti si Zarina ng maglakad siya palapit rito.

"Let's go?" Yakag na niya rito habang nakatitig siya sa mga mata nito.

Matagal bago kumilos si Andrew, mayamaya ay hinawakan siya nito sa siko at inalalayan na maglakad patungo sa gawi ng passenger side. Nakaalalay pa rin ito sa kanya hanggang sa makasakay siya sa loob ng kotse. Pagkatapos niyon ay umibis ito sa gawi ng driver seat. Mabilis itong sumakay do'n at pinaandar na nito ang kotse.

Tahimik lang naman silang dalawa habang bumabiyahe. Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na rin sila sa bahay ng kaibigan si Brooke. Ipinarada ni Andrew ang kotse sa likod ng isang pulang kotse. At nang patayin nito ang makina ng kotse ay binalingan niya ito.

"Hindi mo talaga ako sasamahan sa loob?" Tanong niya rito. Tumanggi kasi ito ng pilitin niya itong sumama sa party. Inimbitahan na rin ito ni Brooke.

Umiling ito bilang sagot. "I'll just stay here and I'll wait for you." Pagkatapos niyon ay tumaas ang isang kamay nito patungo sa mukha niya. Hinawi nito ang ilamg hibla ng buhok niya na kumawala mula sa pagkaka-braid niya. Dahan-dahan bumaba ang mukha nito patungo sa kanya. At bago pa maglapat ang mga labi nila ay tinakpan niya ang bibig nito.

"Just kiss me later, Andrew. Masisira lang ang lipstick ko," nakangusong wika niya rito. Inalis na rin niya ang kamay na nakatakip sa bibig nito.

Narinig naman niya ang pagbuntong-hininga nito. "Dito na lang kita hahalikan," sabi naman nito. Masuyo nitong sinapo ang mukha niya. Pagkatapos niyon ay hinalikan siya nito sa noo. Napapikit naman siya para namnamin ang init ng labi nito sa noo niya. Hindi din niya napigilan ang pagtibok ng mabilis ng kanyang puso.

Mayamaya ay nagmulat si Zarina ng mga mata ng inilayo na nito ang mukha sa kanya. "Behave at the party, Zarina. If some guy talk to you ignore him, okay?" Lihim siyang napangiti ng mabakasan ang pagseselos sa boses nito.

"You don't need to tell me that, Andre.
I will probably ignore them. Kontento na ako sa 'yo 'no?" Sabi niya. May napansin siyang kakaibang emosyon na bumalatay sa mukha nito.

"That's good," sabi nito. Psgkatapos niyon ay lumabas na ito ng kotse. Umibis ito sa gawi ng passenger seat saka siya pinagbuksan ng pinto. Inalalayan pa siya nitong lumabas do'n.

"So, pasok na ako sa loob." Mayamaya ay wika niya.

Tumango naman ito. "If something bad happen. Call me."

Tumango siya bilang sagot. Pagkatapos niyon ay naglakad siya papasok sa loob ng malaking gate. Nakakatatlong hakbang pa lang siya ng tawagin ni Andrew ang pangalan niya.

The Bodyguard (Completed)Where stories live. Discover now