Chapter 17

21.8K 607 53
                                    

A/N

May chapter 16 na pala. Naka-private lang. Thanks!

Hi Hapon Galvez!

NANGUNOT ang noo ni Zarina ng pagkapasok niya sa kusina ng bahay nila ay may naamoy siya. Napatingin siya sa kasambahay nila na abala sa pagluluto. Nagusot ang ilong niya.
Hindi niya gusto ang amoy ng niluluto nito kaya mabilis siyang naglakad patungo sa fridge. Binuksan niya iyon at kinuha ang pakay niya kung bakit siya nagpunta sa kusina. Kinuha niya ang chocolate spread na naroon sa loob ng fridge at nang bottled water. Kumuha na rin siya ng kutsara at lumabas siya ng kusina. Ayaw niyang tumambay do'n kasi ayaw niya ang amoy ng niluluto ng kasambahay nila, naduduwal siya.

Dumiretso si Zarina sa sala ng bahay nila. Umupo siya sa sofa, ipinatong niya ang hawak na bottled water sa center table. Pagkatapos niyon ay binuksan niya ang takip ng chocolate spread. Gamit ang hawak na kutsara ay kumaha siya ro'n at pinapapak niya iyon. Sarap na sarap si Zarina sa chocolate spread na pinapapak niya sa sandaling iyon. Halos maubos niya ang laman ng hawak na garapon. Simot na simot nga iyon. Hindi naman niya maintindihan ang sarili, hindi naman kasi siya mahilig na pumapak ng chocolate spread. Iniindiyan nga niya iyon, eh. Pero paggising niya kanina ay bigla siyang naglaway sa chocolate. Bigla niyang gustong magpapak no'n. Para nga siyang naglilihi, eh.

Natigilan si Zarina sa naisip. Mayamaya ay mabilis niyang pinagana ang isip niya. Nagbilang siya kung kailan dapat siya dadatnan ng monthly period niya. Three weeks na ang lumipas pero hindi pa siya dinadatnan. Regular pa naman ang menstrual period niya.

Tapos kanina paggising niya, nangangasim ang sikmura niya. She felt like vomiting pero no'ng nasa banyo na siya para sana sumuka ay wala naman siyang masuka. At kanina din, hindi niya gusto ang amoy ng niluluto ng kasambahay nila.

At lahat ng niya nararamdaman ay senyales ng isang naglilihi. Hindi kaya...buntis siya? Nanlaki ang mga mata niya sa isiping iyon. Awtomatikong napahawak siya sa impis na tiyan niya. Posible kayang buntis siya? Posible ngang buntis siya. Siya na rin ang sumagot sa sariling katanungan. Ilang beses na may nangyari sa kanila ni Andrew. At sa loob ng maraming beses na iyon ay hindi sila gumagamit ng proteksiyon.

Tumayo si Zarina mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Pagkatapos niyon ay dali-dali siyang nagtungo sa kwarto niya. Mabilis siyang nagbihis. Kinuha niya ang remote control key ng kotse niya na nasa ibabaw ng bedside table saka siya lumabas ng kwarto. Nagtuloy-tuloy siya hanggang sa makalabas siya ng bahay. Sumakay siya sa kanyang kotse at pinaandar iyon. Pupunta siya sa drug store. Bibili siya ng pregnancy kit. Kailangan niyang makasigurado.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin siya sa drug store. Bumili siya ng limang pregnancy kit. Nang makabili siya ay agad siyang umalis do'n at bumalik sa bahay nila.

Nagmamadali ang bawat kilos niya. Nang makarating siya sa sariling kwarto ay diretso siyang pumasok sa loob ng banyo. Binasa niya kung paano gamitin ang pregnancy kit na hawak. At nang malaman niya kung paano gamitin iyon ay tenest niya ang sarili. Abot-abot ang kabang nararamdaman niya habang hinihintay ang resulta. At mayamaya ay namilog ang mga mata niya nang lumabas ang resulta ng ginawa niyang test.

Two lines! Positive! Buntis nga siya.

Bumuba ang tingin siya sa kanyang tiyan. Pagkatapos niyon ay umangat ang isang kamay niya para haplusin iyon.

"A-are you there, baby?" Hindi niya napigilan ang gumaralgal ang boses. Bigla na lang din na nangilid ang mga luha sa mga mata niya. God! Hindi siya makapaniwala na magiging ina na siya. Gayunman ay wala siyang makapang pagsisisi sa nalaman. Masaya at excited na nga siya, eh. At marami na siyang plano para sa magiging anak niya. Excited na siyang may tumawag na 'Mama' sa kanya. "Mahal na mahal kita, baby. I'll promise I'll do anything and everything to protect you," sabi niya habang hinahaplos ang kanyang tiyan. "And I know your Papa will do anything and everything to protect you, too." Dagdag na wika niya.

The Bodyguard (Completed)Where stories live. Discover now