"Ahh, Oo kita ko nga!" Medyo hininaan ko ang boses ko baka marinig niya ako. Medyo malaki pa naman ang tenga niya.

"Pero kahit na maliit kami ay hindi parin kami dapat minamaliit dahil magkasing-lakas lang din kami ng mga fairies, Minsan nga mas Makapangyarihan pa kami. Depende yun sa kakayahan namin na mag-ipon ng Mahika."

"Mag-ipon ng Mahika? Ano yun?" Bigla akong na-curious sa sinabi niya.

"Ganito kasi yun, Magus. Ang katawan ng isang wizard na gaya mo at gaya namin na kung tawagin ay mga mythical creatures ay may tinatawag na barrel o container. Ang container na ito ang nagsisilbing sukatan kung gaano lamang karami ang Mahika na kaya mong ipunin o iimbak sa loob ng iyung katawan."

"Dumi-depende din ito sa lakas na taglay ng katawan mo o tawagin na nating, Pisikal na lakas."

"Kahit malaki ang sisidlan mo ng magic ngunit  mahina naman ang iyung katawan, maari mo itong ikapahamak. Lalo na kapag napa-sobra ang pag gamit mo sa iyung Mahika."

"Tandaan mo Magus, na ang Mahika ay kaugnay ng buhay natin. Kapag naubos na ang ating Mahika sa katawan maaari itong humantong sa dalawang bagay."

"Una, maaaring mawalan ka o tayo ng kakayahan na lumikha o mag cast ng spell."

"Pangalawa, maaari natin itong ika-matay!"

"Kaya mag-iingat ka Magus. Huwag mong basta-basta nalang gamitin ang iyong natatanging kapangyaruhan. Nararamdaman ko na may malakas na kapangyarihan, malakas na Mahika na dumadaloy sa iyong mga ugat. Marahil nadin siguro dahil ikaw ay nagmula sa mga lahi ng Makapangyarihan na angkan ng mga wizard."

"Huwag kang mag-alala nandito lang kami lagi para sayo. Ang iyong ama ay likas na mabuti kaya ang lahat na kabutihan na ipinakita niya sa amin ay ibabalik namin sa inyo."

"Kasama mo kami Magus!" Seryoso siya nang sambitin ang mga katagang iyon kaya alam kong totoo lahat ng sinabi niya. Kaya naniniwala ako sa kanya.

"Salamat.....ano nga pala ang pangalan mo?"

"Ang tawag sa amin ay Pixie. Hindi kami binibigyan ng sariling pangalan."

"Kung ganun, maari ba kitang bigyan ng pangalan?"

"Maari pangi......ahmmm Magus!"

Nag-isip ako saglit, at dahil tamad akong mag-isip......

"Simula ngayon ay tatawagin na kitang Pretty."

"B-bakit P-pretty?" Nauutal na tanong ni Pretty sa akin. Teka nagba-blush ba siya?

"Sandali nagba-blush ka ba huh, pretty? Nangangamatis ata ang mukha mo ah!"

"H-hindi ahh!" Depensa naman nito.

"Talaga? Hmmm sige, sabi mo eh! Kaya pretty dahil literal na maganda ka. Ganun lang yun!" At nginitian ko siya.

Ilang Sandali pa ay bigla nalang lumakas ng palakas ang ingay ng pagaspas ng mga munting pakpak! Nang tingalain ko uli si Pretty ay hindi na lamang siya nag-iisa na lumulutang sa eri, kundi dalawa, tatlo, apat, Lima, sampo, biente.......ay hindi ko na mabilang kung ilan. Ang dami nila. Siguro aabot sila ng isang libo. Napuno nila ang kalangitan. Ang dami nila at ang ganda nilang pagmasdan. Ang kanilang mga pakpak ay kumikinang habang tinatamaan ng liwanag nang papalubog na araw. Ang saya nilang tingnan, na para bang walang problema, walang panganib na kinakaharap.

Ngayon, nadagdagan na naman ang aking determinasyon na mag-aral ng magic. Kaylangan kong protektahan ang mga gaya nila Pretty. Ang kanilang magagandang ngiti ay dapat manatili sa kanilang mga labi. Hindi ko hahayaan na mapalitan ito ng mga dalamhati at pighati. 

"Magus, kasama mo kami sa iyung susuunging laban!"

"Maraming salamat Pretty, ngunit hindi ako marunong gumamit ng magic."

"Kaya nga kami nandirito, upang tumulong kaibigan!"

"Kami na ang bahalang magturo sa iyo kung Paano lumipad."

"Talaga? Maaari akong lumipad? Makakalipad ako?"

"Oo naman." Maikli niyang sagot pero batid ko na totoo ang sinabi niya na maaari akong lumipad.

"Pero papanu ako lilipad Pretty, eh wala naman akong mga pakpak na gaya ng sa inyo? Magkakaroon din ba ako niyan?"

Tumawa silang lahat. Bakit sila tumatawa? Hindi naman nakakatawa ang sinabi ko ah. Naguguluhan man
Ay nakitawa na rin ako.

"Magus, hindi pakpak ang  ginagamit ninyong mga wizard."

"H-huh? Eh ano?"

"Pagmasdan mo ito." Sabi ni Pretty. May namumuong puting liwanag sa munting kamay ni Pretty at unti-unti itong lumaki at nagkaroon ng hugis. Naging hugis walis ito nang gaya nung ginagamit ni Harry Potter.

"Broomstick?" Tanong ko.

"Oo, eto ang ginagamit niyo para makalipad at hindi pakpak!" Sagot niya at tumawa na naman silang lahat. Nakisabay na rin ako.

Their laughter's are like music to my ears. Ang sarap pakinggan ng kanilang mga halakhak.

"Saan naman ako makakakuha niyan?"

"Ipapaliwanag ko sayo lahat bukas, pero ngayon kaylangan mo nang umuwi dahil naghihintay na sa iyo ang iyung Ina."

Nagpaalam na ako sa Kay Pretty at sa mga kasamahan niyang Pixie.

Ngayon, mas pursigido na akong matuto ng magic. Lalo na't alam ko na marami ang umaasa at naniniwala sa akin.


To be continued......

Magus - UNFOLDING MAGICWhere stories live. Discover now