"Okay then, let's eat." Sabi ni Jake at hinila niya patayo si Lucy.

"It's our time love," Napaigtad ako ng binulong yon sakin ni Anthony, walangyang 'to makabulong at makatawag ng love wagas!

We acted like Masaya kaming nag-uusap hanggang sa magkabungguan kami ni Lucy.

Nagkatinginan kaming dalawa at nag-iwas siya ng tingin. Natawa naman ako. Dapat sinigawan niya na ako. Dapat tinawanan niya na ako, hindi ba ganoon ang ginawa nila dati? Napatingin ako sa kamay ni Anthony ng iniabot niya iyon at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Ang galing din palang umarte ng isang 'to. Inabot ko naman iyon at ngumiti tapos pinagpagan ko yung damit ko. Tumingin ako diretso sa mga mata nila at nakita ko nanaman yung pain na nagwewave sakin. Walangyang pain to sasapakin ko 'to.

"S-sorry," Sabi ni Lucy at kumapit sa braso ni Jake. Hindi ko yon pinansin at hinila si Anthony para sana maglakad na kaso hinawakan ni Lucy yung braso ko.

"Be--- uh Venice, c-can we ta-talk?" She asked and looked straight into my eyes. At ayon nanaman yung pain na yon at talagang winagayway yung sarili niya sa mukha ko. Ha! Hindi na ako magpapauto ngayon.

"Ano bang pag-uusapan natin, Miss?" Kunot noong tanong ko, "And oh by the way, how did you know my name?" Nakita ko namang nagulat sila sa sinabi ko. Kaya napangisi ako.

"If the both of you were just going to waste our time, then, we should go now." Sabi ni Anthony atsaka ako hinawakan sa bewang. Waaaaaaaah! Manyak! Sasapakin ko talaga to mamaya!

"Dude, wag kang makialam, they need to talk." Wow Jake, they? Baka we? Nagmamalinis ka ba? Ha!

"Excuse me? Would you please stop talking to my boy friend with that rude attitude of yours? Just say what you want to say cuz we have a lot of things to do." Sabi ko at ugh nakita ko nanaman yung sakit sa mata nila. Ano bang problema ng mga 'to? Naiinis nako.

"Besh, please.... I'm sorry okay? We didin't mean to hurt you!"

"Wow, just wow! You didn't mean to hurt me? Srsly? Hindi niyo ginustong saktan ako pero itinago niyo sakin na may namamagitan na pala sa inyo? Hindi ako ganon katanga Lucy, naging bulag lang ako, nagbulag-bulagan ako sa mga kagaguhang ginagawa niyo. Nabulag ako kasi nagtiwala ako sa inyong dalawa. Pero hindi ako tanga, kayo yung tanga. Tanga kasi niloko niyo ako, yung taong handang gawin ang lahat wag lang kayo masaktan." Sabi ko at dinaanan sila pero hinawakan ni Jake yung kamay ko. Oh please, tama na. Tapos na ang role ko.

"Don't touch my girlfriend mister." Narinig kong sabi ni Anthony kaya nakahinga na ako ng maluwag. Pero hindi pa din binibitawan ni Jake yung kamay ko kaya nagpumiglas na ako, pero ang gago hinigpitan pa yung hawak! Ugh si Lucy naman nakatayo lang at hindi gumagalaw pero rinig ko ang hikbi niya. Tanga ba ang isang 'to? Dapat hilain niya yung kamay ni Jake na nakahawak sa kamay ko. Duh!

"I said don't lay your finger on my girlfriend's hand!" sabi ni Anthony at naramdaman ko na lang na nakahiga na sa sahig si Jake. Shit! What did he do!? Ugh! Stop it Venice! Don't worry about him! Sinaktan ka niya he deserve that punch! Naramdaman ko naman yung gulat ng mga nanonood samin. Pero wala akong time para icheck ang reaction nila. Nagulat na lang ako ng napahiga din si Anthony!

"What the hell Jake!" I shouted at lumapit agad kay Anthony atsaka tinulungan siyang tumayo.

"Jake..." Mahinang sabi ni Lucy at tinulungan din siyang tumayo.

"You okay love?" Sabi ko kay Anthony at nakita kong may pasa na siya. Walanjo. Ang sarap niyang pagtawanan bwahahaha! Para siyang may instant blush on! Hahahahaha!

"I'm okay Love. Let's go." Sabi niya at hinawakan yung kamay ko kaya naglakad na kami.

"V-venice, babe...." Putang-ina mo Jake, wala to sa plano! Ano bang problema mo!?

"Jake...." Naiiyak na sabi ni Lucy, hindi ko alam pero naaawa ako sa kanya.

"Quit it dude. Wag mo ng habulin ang girlfriend ko, she's now mine. At hinding hindi ko hahayaan na mawala siya sa akin, hindi ako gagaya sa tangang gaya mo." Huminto siya at tumingin ky Lucy kaya napatingin din ako kay Lucy. "And as for you, you deserve to experience the pain that my girl experienced from you." Napanganga ako sa sinabi ni Anthony, oh em gee! Sinabi talaga niya 'yon!? Mahal niya si Lucy! Tapos.. tapos. Shit.

Nakarinig kami ng palakpakan at tuluyan ng bumukas ang ilaw. Nakasurvive kami. Mabilis akong tumayong maayos at hinarap yung judges, hinawakan ko yung gown ko at nagbow. Nagbow na din si Anthony, at humawak na siya sa waist ko. Pasimpleng chancing 'tong mokong na 'to. Napatingin ako sa gawi nila bessy, at nakathumbs up sila samin at yung dalawang lalaki naman eh todo palakpak.

"That was... a very amazing role play couples!" Sabi ng emcee. At nagpalakpakan ulit ang mga tao pati nagsigawan. May sumisigaw ng number 4 at syempre may sumisigaw ng amin.

"So all of the couples, please come here in front." Sabi ni emcee at hawak na ang papel kung saan nakalagay ang pangalan naming nakalagay sa winner.

"I'm now holding the result." Saglit siyang napatingin sa audience at nagsalita ulit, "Who's your bet!" Sigaw niya sa audience at nagsigawan nanaman sila,

"So our 2nd place is couple numbeeeeeer...... 4!" Nagsigawan naman yung mga kaibigan nung dalawa atsaka sila lumapit sa harap para kunin ang trophy, flowers, cash at sash nila. Napangisi ako, hindi ako nag eexpect manalo, pero hindi ko din gustiong manalo sila Lucy, pero ngayong 2nd runner up na sila ayos lang kahit di namin mauwi ang title,

"Please step forward couple #3 and #8," Sabi nung emcee kaya sinunod namin, magaling din yung candidate number 8. Siguro sila ang makakakuha ng title.

"So sa tingin niyo? Sino sa dalawang couples na 'to ang mag-uuwi ng title?" tanong nung emcee kaya nagsigawan sila sa mga bet nila. May mga sumigaw na kami daw kahit na hindi namin sila kilala pero nangingibabaw pa din ang boses ng barkada kaya napangiti ako ng bongga.

"You're correct guys! Our first runner up is couple number 8, and our winner is couple number 3! Congratulations!"

---

Edited: 3/24/16

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now