Iniwan niya na kami sa gitna, binigyan niya din kami ng limang minuto para pag-usapan kung anong gagawin namin. At nakalipas na ang dalawang minuto pero nakatayo pa din kami dito at walang gumagalaw so I decided to talk.

"Hey, what if we role play the happenings between us? You know. When the both of you betrayed me." Napatingin naman sila sa akin at naramdaman ko yung kamay ni Anthony sa kamay ko so I looked at him and give him my smile. Trust me. I can do this.

"But besh--" before she could finish her sentence I cut her off.

"Gawin na natin. Just give your best guys. Good luck!" Sabi ko at ngumiti pero bago sila makaalis, "And oh, wait. Wag na lang ninyo alalahanin yung nangyari dati okay? Just think different lines not the exact words you'd say to me. Baka kasi matalo kayo kapag gayang-gaya ng dati ang gawin niyo."

Pumwesto na kami at nandoon sila sa kabilang dulo, nakangiti ako habang naglalakad papalapit sa kanila, dinig na dinig ko ang hikbi ni Lucy habang pinapatahan naman siya ni Jake, great.

"Jake, p-paano kapag nalaman niya?" Hawak-hawak ni Jake ang braso ni Lucy. Tahimik naming nakikinig yung mga audience sa amin. Para bang bawat galaw namin eh naka-abang talaga sila. At alam kong ganon din sila Maxine, si Maxine lang naman ang nakakaalam nitong nangyari sila Lisa aakalain lang na play lang talaga 'to.

"Shh, don't cry. Hindi ko din alam pero... kailangan niyang malaman." Sabi ni jake at yumuko. Nagyakapan silang dalawa at doon na ang eksena ko. Lumapit ako sa kanila, nag-flash back yung sakit. Nag-flash back yung nangyari noon, nag-flash back lahat ng ginawa nila sa akin. And then boom, my tears started to fall from my eyes. Unahan, sobrang dami.

"W-what's the meaning of this?" Humihikbi kong sabi. I saw pain from their eyes, woah. Pati ba naman sa ganyan magaling silang umarte? Hindi na ako magtataka kung mapanood ko sila sa TV na umaarte sa isang teleserye.

"B-besh.... I... I-I'm s-sorry." Nakayukong sabi ni Lucy habang humahagulhol na. Nakaramdam ako ng galit, ng inis.

"Ha-ha-ha. N-no, don't say that. Trip niyo lang ako diba? Niloloko niyo lang ako eh. I know Jake wanted to surprise me because it is our anniversary. Right Jake?" bumaling ako kay Jake ng nakangiti habang patuloy pa din yung luha ko sa pagbagsak. Nakita ko naming natahimik siya.

"I-I'm sorry, pero... mahal ko siya, mahal ko si lucy." He said, huminga ako ng malalim at hinugot lahat ng lakas na meron ako.

"I trusted you both, pinagkatiwalaan ko kayo. Ni minsan hindi ko inisip na gagawin niyo 'to sa akin. My best friend, yung best friend ko na itinuturing ko ng kapatid, yung best friend ko na alam kong laging nandyan para sa akin, yung hindi ako iiwan, yung hindi ako hahayaang umiyak, yung best friend na alam kong ipagtatanggol ako kahit kanino." Huminto ako at pinunasan yung luha ko. Atsaka tumingin kay jake, "..and my boy friend, na minahal ko ng sobra, na akala ko siya na, na akala ko iba sa lahat, na akala ko maipagmamalaki ko sa parents ko. Hindi ko inexpect na sa lahat ng taong nakapaligid sa akin, kayo pa.. kayo pa ang gagawa sa akin nito." Namatay ang ilaw, next scene na namin. Pinunasan ko kaagad ang luha ko at inayos ko yung sarili ko. Dito sa scene na 'to ibubuhos ko ang lahat...lahat lahat.

"Hey babe, you looked tired." Sabi ni Lucy habang nakaupo sila sa bench at pinunasan yung pawis ni Jake, tanga ba 'to? You look tired daw eh pawis na nga tapos look tired pa?

"I'm okay, as long as nasa tabi kita hindi ko mararamdaman yung pagod." Sabi naman ng malanding Jake na 'to at niyakap si Lucy, at ang bruha aba kinilig. Ugh!

"You hungry?"

"Uh, yes! I want fries." Sagot ni lucy at ngumuso pa. Gusto yata nitong hilain ko nguso niya ah.

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now