25. Epilogue

7.8K 243 35
                                    


" Miggy, Leon..nasaan ang kapatid ninyo?, saan na naman kayo nagsuot?" iniwan ko lang silang tatlo saglit dito sala, pagbalik ko wala na ang mga ito.

Natupad ang birthday wish ni Gab, baby girl ang pangatlong anak namin, our Princess Gabi.

Si Miggy ang nagpangalan sa kapatid ng Princess, ito daw kasi ang prinsesa nilang tatlo, ako naman ang nagdagdag ng Gabi, galing sa pangalan ng ama.

" Mom! " buhat ng panganay ko ang 8 month old niyang kapatid. Sanay naman na itong buhatin si Princess, madalas pa nga itong magvolunteer na magbantay.

" Miggy, nasaan si Leon? " kinuha ko sa kanya si Princess.

" He's outside Mom. Babalikan ko na po siya. Baka maisipan na naman po niyang pumunta sa kwadra, masipa pa siya ni Mighty." nagtatakbo ito palabas.  Ang alagang kabayo ang tinatawag nitong Mighty.

" Sundan natin sila Kuya mo, Baby.." kausap ko sa bunso ko, bakasyon kaya nandito kami sa Hacienda.

Palabas na sana kami ng pumatak naman ang ulan.

" Lina! Ate Icel, pahingi po ng payong!" nagpanic ako dahil siguradong mababasa ng ulan ang dalawa.

" Anong nangyari? " humahangos na tanong ni Mama sakin.

" Ma, kunin n'yo po muna si Princess, si Miggy at Leon nasa labas, siguradong mababasa ng ulan ang mga yon." agad naman nitong kinuha si bunso.

" Ito na ang payong Mariel.." agad kong kinuha ang payong, bago paman ako tuluyang makalabas ay nakita ko ang dalawa na tuwang tuwang naliligo sa ulan.

" Miguel Bryle! Leon Martin! Baka magkasakit kayo!" saway ko sa mga ito.

Mabuti nalang babae ang naging bunso ko, kay Miggy at Leon palang nadadrain na ang enerhiya ko, lalo na kapag umaandar ang kakulitan nila.

" Hayaan mo na anak, mukhang nag eenjoy ang dalawa, minsan lang naman." halata namang nag eenjoy talaga sila, naghahabulan ang mga ito.

" Bakit Wifey!? Takot ka ba sa ulan?" nagulat ako ng biglang sumulpot si Gab sa harap ko. Kinuha nito ang payong at binigay kay Ate Icel, saka niya ako binuhat palabas.

" Gab, ano ba! Mababasa tayo!" saka lang niya ako binaba malapit sa dalawang anak namin.

" Mommy! We love the rain!" tili ni Miggy.

" Yeheyy! Ligo kami sa rain!" sigaw naman ni Leon. Tuwang nagpaikot ikot silang dalawa sa amin ni Gab.

" Ano Wifey? Takot ka parin ba mabasa?" nakangiting tanong nito. Ano pang magagawa ko, nabasa na ako.

Tumingala ako saka dinama ang patak ng ulan sa balat ko. Saka ko narealized na never pa akong naligo sa ulan.

" It feels good, Hubby." at nag enjoy kaming apat sa pagtampisaw sa ulan.  Raining is not that bad after all.

Naghabulan silang magaama. Nagtatakbo sakin si Leon at nagtago sa likod ko.

Binuhat ko siya at pinupog ng halik. Pagkatapos ng ilang sandali ay sinaway ko na sila.

" Miggy, tama na, baka magkasakit kayo, pasok na sa loob." wala namang nagawa si Leon dahil binuhat ko siya. Kinuha naman ito ni Gab sakin.

" Mabigat ka anak, si Daddy nalang ang bubuhat sayo." Inabutan kami ng towel ni Lina at Ate Icel.

" Ano, na enjoy n'yo ba ang ulan? Nakakatuwa kayong tignan. Mamaya tignan n'yo ang pictures ninyo sa cellphone ko. Tapos post n'yo sa IG, #FamilyGoals. Sayang at baby pa si Princess, di nakasali." hirit ni Ate Icel.

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now