5. Fondness

4.9K 163 13
                                    

Masayang umuwi si Mariel, na enjoy niya ng husto ang paliligo nila ng mga bata sa Talon dahil sa malinis at malamig na tubig nito.

Sa pag aakalang wala pa si Gabriel ay hinubad niya ang basang damit bago pumasok sa loob ng bahay, tanging ang panloob lamang ang itinira niya. Ayaw niyang tumulo sa sahig ang basang suot at baka malaman pa ni Gabriel na hindi niya ito sinunod.

" Anlamig!" malayo layo din kasi ang nilakad nila.

She tiptoed habang tinatahak ang daan papasok ng kwarto. Hindi niya napansin ang binatang nasa taas ng hagdan na gulat sa ayos niya at ngayon hinahagod ng may paghanga ang kabuoan niya.

Gabriel was surprised seeing Mariel almost naked. Naka Bra at Panty lamang ito. Ang kaninang dapat ay galit niya dito ay dagling nakalimutan dahil sa ayos ng dalaga. He was stunned seeing those petite yet pleasing figure. Pinagpaliban na lamang niya ang dapat ay pagsermon niya dito.

Nakita niyang pumasok na sariling kwarto ang dalaga. Hindi pa nga niya maalis alis sa isip ang imahe nitong naliligo sa talon' ay may panibago na naman.

" Damn Gabriel!" Kastigo niya sa sarili. Bigla siyang nakaramdam ng uhaw.

Kumuha siya ng tubig sa kusina at bumalik sa sariling kwarto. Nilakasan niya ang aircon bago pumasok sa maliit na opisina sa sariling silid.

Kinuha ang larawan ng dating kasintahan, ang tanging babaeng minahal niya. Malinaw parin sa kanya ang mga alaala nito.

" Mahal na mahal kita." Masuyong bulong niya sa nobya. Na humagikgik ng hagkan niya sa batok nito.

" Ano ba Gab' nakikiliti ako. Alam mong mahal din kita' hindi ba?" kinulong nito ang mukha ni Gabriel sa mga palad.

At bilang tugon ay siniil siya ng halik ng binata. Mag dadalawang taon narin silang magkasintahan at binabalak na ng binatang alukin ng kasal ang nobya.

Inaantay lamang niyang lumipas ang kinakaharap na problema sa Hacienda. Tinamaan ng peste ang kanilang mga pananim at malaki laking pinsala ang dulot nito sa kabuhayan ng mga nasasakupan.

Wala silang naging problema bilang magkasintahan, akala ni Gabriel ay parehas sila ng nobya na kontento sa isa' t isa at sa buhay na meron sila.

Hanggang isang araw dumating ang pinsan sa Hacienda upang magbakasyon. Hindi niya akalaing mawawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal.

" Love meet Marcus' my cousin and Marc, this is Rafaella my girlfriend." natatandaan pa ng binata ang araw na pinakilala niya ang mga ito sa isa' t isa.

Hindi niya pinansin ang panghangang nakita sa mata ng pinsan dahil tiwala siya dito dahil halos sabay na silang lumaki at parang magkapatid na ang turingan.

Dahil abala sa gawain sa Hacienda at sa kinakaharap na problema madalas maiwan ang mga itong magkasama. Wala namang alam sa trabahong bukid si Marcus.

Kaya ang nobya ang kasakasama niyo sa pamamasyal at minsan ay sa pagtuturo sa mga batang naroon.

Hindi rin siya nagtaka ng mag extend pa ng bakasyon ang pinsan. Ang dapat ay two weeks na bakasyon nito ay inabot na ng isang buwan.

" Well I guessed, I fell inlove with this place." Ang dahilan niyo sa kanya noon.

Pinagsabihan siya ni Nana Belen, dahil napapansing nagiging malapit ni Marcus at Ella subalit ipinagsawalang bahala niya ito.

Hanggang isang araw bigla na lamang umalis si Marcus at kasabay nito ang paglalayas ni Ella. Tanging sulat lamang ang iniwan nito sa tiyahin na nagsasabing huwag na siyang hanapin.

Kismet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon