21. Secured

5.5K 165 5
                                    

Luke Gabriel

NAKAngiti ako habang pinagmamasdan si Mariel na natutulog. Nakayakap ang isang kamay nito sa dibdib ko. Hindi ako magsasawang pagmasdan ang babaeng pinakamamahal ko.

Kaytagal kong pinangarap na muling maranasan na mukha niya ang una kong makikita pagmulat ng mga mata ko sa umaga. I will make sure that this time hindi na kami magkakalayo pa.

" Stop starring at me.." nakapikit parin ito. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin.

" I can 't help it. I have a gorgeous wife even when she's snoring and sometimes sleep with her mouth open." natatawa kong sagot.

Napakunot ang noo nito. " Hindi kaya ako ganon matulog.."

" Anong hindi, pero kagabi lang kita nakitang nahimbing sa pagtulog, I guessed, I'm the best bed warmer. Pagising gising ka kasi madalas kapag natutulog." I always sneaked into her room in the middle of the night kapag tulog na ang mga tao sa bahay nila at napapansin ko na madalas siyang magising.

Napamulat ito ng mata. " Paano mo alam? Kagabi lang man tayo nagkasama?" nagtatakang tanong nito.

" You're too busy to notice me Wifey, matagal n'yo na akong nakakasama lalo na ni Miggy." tuluyan na itong napabangon at napasandal sa headboard ng kama.

" Anong ibig mong sabihin?" bumangon nadin ako at tumabi sa kanya.

" Anong bang buong pangalan ko? Nakakatampong hindi ka manlang naghinala." sabagay madalas kasi siyang wala at busy sa trabaho.

" Luke Gabriel?" namilog ang mga mata nito. " Ikaw si Luke?" tumango ako. " Kaya pala pareho kayo ng pabango pero inisip ko na nagkataon lang. Bakit hindi ka nagpakilala bilang Gabriel?, nagdisguised ka pa.."

" Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksiyon mo? Yon lang ang naisip kong paraan para makalapit sa inyo ni Miggy. I'm sorry kung natagalan akong mahanap kayo, iba kasi ang alam kong pangalan mo kaya nahirapan akong hanapin ka. Noong araw na umalis ka hinanap agad kita Wifey, hindi ako tumigil hanggang sa matagpuan ko kayo. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin. " umiiyak na nakatingin ito sa'kin.

" Hindi ako nawalan ng pagasa na makita kayo. Pinagsisisihan ko ang araw na hinayaan kong makapasok si Rafaella sa bahay at sa buhay natin, dahil sa kanya nagkalayo tayo. I'm sorry Mariel, patawarin mo ako." maging ako ay napaluha. Napakarami naming nasayang na panahon.

" May kasalanan din naman ako, hindi ko hinintay ang paliwanag mo, basta nalang ako umalis. Nagpadala ako sa selos. I'm sorry kung inilayo ko sayo si Miggy. I'm sorry dahil naging mahina ako." pinahid ko ang mga luha niya.

" Aaminin ko na sumama din ang loob ko sayo dahil sa pag alis mo pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sayo at ang kagustuhan kong makilala ang anak natin. Kahit sila Mommy sabik na makilala si Miggy. " kinukulit na nga nila ako.

" Alam nila ang tungkol sa nangyari sa'tin? " she look worried.

" Oo, alam nila ang lahat, even Lolo, akala ko nga ay babawiin niya ang Hacienda gaya ng napagusapan namin noon, kapag nagkahiwalay tayo. Hindi naman daw pala siya seryoso sa kasunduan na yon. Alam niyang mahal na kita noon paman, kilala niya daw ako, hindi ako basta basta magpapakasal sayo kung hindi kita gusto, he wanted us both to realized na mahal natin ang isa't isa kaya naisip niyang gawin ang kasunduan para bigyan ng sapat na panahon ang Marriage natin. He knew it all along na wala tayong relasyon noon." alam rin ni Lolo na mamahalin ko si Mariel.

" Galit ba sila sakin?" nag aalalang tanong nito.

" No Wifey. Ang gusto lang nila ay magkaayos tayo at makilala nila si Miggy. Mahal ka ng pamilya ko, lalo na si Lala, nagalit nga yon sa'kin nong nalaman niyang umalis ka. Siya ang naging daan para mahanap ko kayo, natandaan niya na minsan niyang nakita na may kamukha ka sa Facebook post, she even remember your first name Breanna." dahil doon nahanap ko sila ng anak namin.

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now