"Karylle, hindi naman yata through cell donation ang nangyari kay Vice. Mayroon siyang carrier---

"Vhong, he told me earlier na nagkaroon ng problema sa dapat na carrier niya that's why they had to use donated cells." she explained. "The day of our show, 'yun din 'yung araw na isinagawa 'yung procedure."

Kahit wala pa mang confirmation, bakas na ni Vhong ang kasiyahan sa mukha ni Karylle. Sayang ayaw niyang ipagkait sa kaibigan.

"Gusto kong i-convince 'yung sarili ko na coincidence lang lahat, pero hindi e." umiling-iling si Karylle. "Vhong, same association, same day, and even the process, parehong-pareho."

Hindi na nagsalita pa si Vhong. He doesn't want to end Karylle's happiness. Kahit ngayon manlang, makita niya ang tunay na saya sa mukha ng kaibigan.

He went near her at mahigpit itong yumakap. Awtomatiko namang nag-wrap back ang mga kamay ni Karylle sa katawan ng binata.

"Nasabi mo na ba 'yan kay Vice?" he murmured bago mag-pull away sa pagkakayakap kay Karylle.

"No. Not yet," she answered.

"What's your plan now?"

Napakagat-labi si Karylle. Simula kanina ay wala pa siyang naiisip na matinong plano upang malaman kung tama ba ang kutob niya.

She looked at him.

Sa tingin palang na iyon ay tila naintindihan na ni Vhong ang nais gawin ng kaibigan.

"Alam mo namang kahit ano pa 'yan, handa akong tulungan ka diba?"



































By 7 o'clock pm ay nagstart na ang night party ng Showtime Family. They started the party with games na pwedeng isali ang mga bata. Snow really had so much fun knowing na hindi naman niya ito nararanasan noong nasa Canada pa sila ng ama.

Since malawak nga ang resthouse na tinitirahan ay naisipan ng lahat na maglaro ng "hide and seek". Partner sila Vice at Snow at ang iba pang part ng family who brought their kids with them, habang ang ibang hosts at staffs naman ay naglaro individually.

"Adi, where should we hide?" bulong ni Snow habang lakad takbo sila ng ama. They're looking for a place to hide.

"Hahanap ng place si Daddy." Vice answered her.

Nakarating sa likod ng resthouse ang mag-ama and there, nakita ni Vice ang mga puno ng santan kung saan maaaring magtago ang anak. He slightly pushed Snow patungo roon.

"You hide here, okay? I'll hide behind that tree," sabay turo niya sa puno ng narra ilang feet ang layo mula kay Snow. "Kapag nakita ako ni Ninang Anne, tumakbo ka ng mabilis then touch the base para masave mo 'ko. Okay?"

"Get it." excited na sabi ni Snow.

"Run carefully okay? Baka madapa ka," paalala ni Vice before hiding to his place.

Tahimik na nagtatago ang mag-ama habang hinihintay ang "it" na mahanap sila. Dahil nga sa madilim na ay nahihirapan si Anne na hanapin ang mga kalaro.

Lacking BrightnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon