Chapter 13: Travis

Magsimula sa umpisa
                                    

Hi Mara, Don't be hard for yourself. Kung naiisip mong mag gave up na dahil you're tired pwede mong gawin iyon. Pero kung malakas ang determination mo na the two of you still can work out. Then go for it. Walang masamang mag try. Sometimes trying can lead you to your happiness. Sabi nga nung Globe. Go-lang-Go. 

If you find this is unhelpful. Write again. 

-xoxo. 

Grabe, muntikan ko nang malagyan ng 'S' yung sa ilalim ng xoxo pero mabuti na lang lumapit sa akin si Hannah. 

"Hi Ate Serah, may nalaman kami sa'yo..." tapos nag sad face siya, alam nga pala ng lahat. Ano kayang sasabihin nila sa akin? Di ba favorite nila ang Switch.

"Haysss..." naglapitan na sila sa akin... "-baka nagagalit kayo sa akin, pwede nyo na akong kuyugin." 

"OMG! Ate Serah! You changed a lot! Noon hindi ka gumagamit ng mga ganyang words, tapos tignan mo 'tong advice mo. Guys look oh, tignan mo yung sentence niya... Kakaiba na!" tinignan naman nila yung reply ko kay Mara. 

Nag iba ba ako? 

"Ate, hindi kami nagagalit sayo." sabi ni Irish sa akin. "--nagulat lang kami na interested ang crush ng bayan sa isang Serah." sabi niya ng seryoso, kinakabahan ako dito...

"Galit nga ako sa kanya kasi ninakaw niya yung first ko. Pagkatapos niyang gawin sa akin iyon hindi man lang siya nag sorry. Pati may sinabi din sa akin si Bethina..." kinuwento ko sa kanila yung sinabi sa akin ni Bethina, dahilan para maiyak na naman ako.

"Ate, wag mong kaawan ang sarili mo. Wag kang maniwala doon! Bruha lang talaga iyon!"

"Oo nga ate! Pati mukha namang hindi totoo iyon kasi tignan mo naging close na din kayo ni Zac nung Acquaintance palang tapos sinabi niya na gusto ka niya. Nandoon kaya kami sa scene na iyon!" sabi ni Carla

"Hoy tumigil ka nga sa pang-aasar kay Ate. Pero ate advice ko lang sayo wag ka munang maniniwala sa sasabihin ng iba. Bakit hindi mo alamin o tanungin sila para malaman mo ang totoo?" sabi ni Hannah, nag nod na lang ako. Ngayon ko lang napansin si Hannah pala ang pinaka matured sa kanila no wonder kaya President siya. 

Marami pa kaming sinagot na Letters. Wow nag i-improved na ang aming Advice Column! Tatayo na sana ako ng mapatingin ako sa loob ng bag ko. Nakabukas kasi ito. Nakita ko iyong Bible. 

Bigla na lang akong napaiyak... Napahagulgol. 

Sorry.....Sorry... Naging makasalanan ako! Ngayon ko lang narealize dahil sa dami ng iniisip ko hindi ko nagawang isipin kung sino ang pinapahalagan ng buhay ko. Hindi man lang ako humingi ng tulong kay Lord naging makasarili ako ngayong araw na ito pati kahapon. Hindi ko nasabi ang mga problema ko sa kanya na dapat sa kanya muna sabihin bago sa iba. 

Iniba ko din ang itsura ko na binigay niya.

Ano ang dapat kong gawin?

 Biglang nagplay sa utak ko ang lyrics ng Power of your Love

Lord I come to you, let my heart be changed renewed. Which makes me cry harder. Nagpaiwan na ako kila Hannah, ako na lang ang bahala dito sa room, gusto ko munang mapag-isa.

*   *   * 

Sabado na ngayon at kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin si Travis kasi naman kinuha niya yung address ko sa office kaya wala talaga akong lusot. Hindi din ako makakapunta mamaya sa Youth Worship namin kasi nga sa 'date' kuno na yan. 

Tapos nandito pa si Mama at Papa. Susunduin daw niya ako bago mag 12. Haysss, paano ba ito? Baka mapagalitan ko ni Mama! First time kasing may pupuntang lalaki dito. Ang masama pa doon ... Hindi ko masabi . 

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon