Chapter 5 - Emote

Magsimula sa umpisa
                                    

"Paano niya masisigurado yun?" seryosong tanong ko.

"E di itanong niya!" sagot naman neto habang kinakalabit yung gitara. 

"Siya magtatanong e siya yung babae,ang panget tingin nun! Paano niya gagawin yun???"  seryoso na namang tanong ko at sumandal sa sofa.

Talagang ang panget tingin nun!!! 

Bakit ako ang aamin???

Ang lagay ako pa yung manliligaw???

Natahimik ako habang iniisip ko 'to, nang biglang may bumagsak na unan sa muka ko.

"Aray! Kuya naman!"

"Sabihin mo nga sakin may naliligaw na sayo no?" seryosong tanong niya.

Ngekssssss!!!!!

Katakot!!!!

Ano sasabihin ko???????!!!

T-E-K-A   L-A-N-G???

Wala namang naliligaw sa kin a!!!!

Meron ako crush si Lee!!!

Ano nga bang sabi ni Lee??????

"Paano may ay manliligaw sa kin... E mas macho pa nga ko sa kanila!"  hindi kumikibo si kuya Kevin at nakatitig pa rin sa kin.

"Sigurado ka?kahit date wala pa?"

"Oo nga!" pagalit na sagot kasi alam ko hinuhuli niya lang ako.

"Ibig sabihin hindi kapa nahalikan?" usisa niya pa,nakakainis na a!  

Bakit parang pinapaalala  niya sa kin nangyari kanina... 

"Wala nga! Ang kulit!"   pikon na talaga ko, hinawakan niya yung buhok ko at ginulo-gulo.

"Ang boring mo! Ibig sabihin ga-graduate ka ng high school  ng hindi mo na-experience lahat yun!"   natatawang sabi niya,sobrang namula naman ako...

"Sabihin mo jan sa kaibigan ng kaibigan mo na tanga siya!wag na siyang umasa pa at wala siyang mapapala! kung sigurado siya na kaibigan lang talaga tingin sa kanya!" sabi pa nito at tumayo na pero huminto ulit at tinignan na naman ako.

"Pero kung ikaw yun siguradong hindi mo gagawin tanungin siya! Kaya manigas ka! Mag antay kang magkaroon ng lakas ng loob yang crush mo na magtapat sayo!" natatawang sabi ng kuya ko.

Sige na ako pinaglihi sa sibuyas kaya namula ako ng sobra-sobra sa hiya.....

Na hindi rin pinalampas ng kuya ko at mukang enjoy na enjoy siya! 

Kinurot niya yung mga pisngi.. 

Ang sakit!

"Ang cute mo talaga!"   nanggigil na sabi niya.

"Pag naging boyfriend mo yang lalaking yan pakilala mo agad sa kin ng mahusgahan ko!"  pang-aasar niya at pumasok ng kuwarto. 

Whaaaa! 

Siraulo ka talaga Lee!

Malakas na sabi ko habang sinusuntok yung unan na binato ni kuya. 

Bigla nanaman siyang lumitaw sa pinto. 

Nagulantang akO!!

 

"Lee pala ha???"   pang aasar niya na naman talagang tawang-tawa siya.

Asar!!!!

Nandito ko para mag-emo!! 

First Love...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon