Chapter 2 - Teenagers....

512 12 7
                                    

Kinabukasan...

Ano pa nga ba????

E di hindi ako pumasok masakit yung tiyan ko e!

Oooooohhhhhhhhhhhh...

 Namimilipit pa nga ako...

Madali lang para sa kin ang gumawa ng excuse letter , pati nga report card ko ako pumipirma.

Bobo kasi nung pinagmulan ko!

Oo nga pala, tigsay na ang aking ina, grade six pa lang ako, na nagdulot ng matinding trauma sa'kin...

Sa mga next chapter ko na lang ikukwento.

Gunggong din kasi yung tatay ko sinabi ng bawal na mag-anak, anak pa rin ng anak, ayon na Eclamptia .

"Oi! Ikaw ang sama mo ah! Bat absent ka nung Friday?" tanong ni Janice pagpasok niya sa room kasama si Sharmaine na kinuha agad yung excuse letter na kagagawa ko lang.

"Stomach ache?? muka mo!" biro niya.

"Oo nga." sagot ko naman, inagaw ko yung papel at inipit ko sa notebook ko.

 As usual wala ng nagawa pa si Mam ng Values kasi bago na yung topic namen, hindi niya na ko pinagsalita sa harapan.

"Kim, alam mo ba sabi ni Brenda, parang wala ka lang daw" eto po si  Janice,wag mong naising mag share ng secret sa kanya dahil hindi nag-eexist ang salitang yun sa kanya.

"Anong wala?" syempre curious ako.

"Wala! As in parang wala ka dito. Alam mo yun hindi ka man lang nagrere-act regarding sa mga.... alam mo na.. guys....baka naman babae type mo!" ay bunganga talaga neto parang arm alight lang.

"Sira!" sabi ko lang, pero nakaka-offend yun, bakit kailangan ba involve lagi lalaki para mag-exist?!?? agawin ko si Raymond sa kanya, sa isip-isip ko.

"Sunod ka nalang sa canteen." sabi ulit ni Janice at umalis na, na parang hindi niya sinabi yung dapat niyang sabihin.

Honestly, talaga na-offend ako dun at nakakaasar talaga.

Naiinis ako!

Ano ba ibig sabihin ng friendship para sa kanya?!?

Boring talaga nila..

Siya namang pagpasok ni Kean...

"Kim, bat andito ka pa? tara sa canteen." yaya niya, tumayo naman ako bitbit yung gamit ko, actually ang gamit na tinutukoy ko ay yung binder na dalawang notebook lang ang nakaipit.

Feeling college..

Ako na masipag..

Actually pareho  kami,   yun lang din dala niya,   nakaipit sa kili-kili niya.

Impluwensiya ang lakas..

Angas dating eh, bakit ba???

Hehehe..

So, naglalakad kami ni Kean..Ano kaya kung si Kean na lang crush ko rin naman siya eh, sa isip-isip ko..

"Oi diba wala kang girlfriend?" tanong ko sa kanya na ikina-shock niya, halatang- halata!

"Oo" naiilang na sagot niya tapos namula pa siya, mistiso kasi eh, .

 Ano to????

Kinikilig??

"Date tayo!" sabi ko sa kanya na parang nagyaya lang ako na makipagkantahan sa kanya.

"Ha?" shocked pa din.

First Love...Where stories live. Discover now