"Ayos 'yan ah," komento ni Chord. Napatingin naman ako sa kaniya at medyo nakangiti na siya. I can't stop myself from smiling too. At least, she's a bit okay now.

"Sayang naman 'tong Pakwan. Nagmakaawa pa ako kay Mama na bigyan ako nito, e! Hindi naman pala gagamitin. Kakatampo mga pare," usal ni Jerome at bumusangot. Tinapik-tapik naman siya ni Hansel at Ramil.

"Ayos lang 'yan, pre. Kainin nalang natin," suhestyon ni Ramil. Sumang-ayon naman lahat kaya hinati-hati na namin 'yong pakwan. Share-share din kami sa bawat slices. 

"Tignan mo 'tong grupo na 'to. Hindi pa sila tapos pero nakain na sila." 

Halos mabulunan kaming lahat nang mapansin kami ni Ma'am Inah. Napangiwi nalang ako. Oo nga pala. Malinaw ang pagkakasabi niya na after naming maayos 'yong 3d Cell Model at ma-present sa kaniya, doon lang kami pwedeng kumain. 

Nagkatinginan nalang kami ng mga kagrupo ko at bahagyang tumawa. Ayos lang 'yan. Tinawanan nga lang kami ni Ms. Inah.

"O siya, balik na sa paggawa. Kumpleto na ba 'to?" sambit ni Hansel at siniyasat 'yong gawa naming Pancit Canton Cake. 

"Hindi ba tayo magdadagdag ng mga proteins?" singit ko naman. Bigla namang sumulpot ang kamay nung isa naming kagrupo na si Zerin at may hawak siyang nilupak.

"Ito pwede to, oh. Lagay niyo sa gilid, mukha na siyang integral protein," aniya. Sinunod naman agad ni Hansel ang sinabi nung kagrupo namin kaya mas lalong dumami ang sahog nung Pancit Canton Cake namin.

"'Yong Peroxisome ba, ilalagay pa natin?" tanong ko naman. Nakita ko kasi siya sa notes ko.Nag-advance kasi ako nang slight sa Bio dahil nakakagulat minsan magtanong si Ms. Inah. Katulad nalang ng mga taong nag-ambag sa Cell Theory, hindi keri ng stock knowledge 'yon, lalo na kapag hindi talaga tumatak sa memorya. 

Tulad ng computer, kailangan ding mag-refresh ng utak.

"Magkaiba pa ba sila ng Lysosome?" tanong naman ni Zerin. 

Tumango ako. "Ang alam ko."

I'm certain na magkaiba sil,  pero hindi ko matandaan kung ano ang pagkakaiba. Basta ang alam ko, parehas silang responsible sa digestion.

"As far as I recall, 'yong Lysosome ay 'yong organelle na tumutunaw ng mga unwanted materials na nasa cells. Kung minsan may mga excess na products, sila nagda-digest. Habang si peroxisome naman, meron siyang enzyme na ang pangalan ay catalase. Isa 'yon sa mga tumutulong para magkaroon ng decomposition ng Hydrogen Peroxide at maging water at oxygen ito," pagpapaliwanag ni Chord. 

Lahat naman kami ay nakatingin lang sa kaniya at hindi nakaimik agad. Um, hindi naman siya gano'n ka Bio addict diba? This is her nth time impressing us with her oh-so-computer brain.

"I-ikaw nalang mag-explain mamaya kay Ma'am Inah, okay?" suhestyon ni Hansel. 

Tinitigan naman siya ni Chord gamit ang nagtatakang mga mata pero tumango rin naman siya. "Okay." 

I'm really impressed. Talaga bang ganito siya? I'm considering myself wrong for thinking that she's only memorizing everything from the start. She really knows what she is talking about. 

Henyo talaga.

"Ayan, kumpleto na!" bulalas ko at binitbit 'yong Pancit Canton Cake namin. Kung tutuusin ang cute naman niyang tignan, talagang nagmukha siyang Eukaryotic Cell. Ang kaso nga lang, ang wirdo lang ng combination niya. Ang main ingredients kasi ay Pancit Canton at Nips.

And ehem, kakainin namin 'to mamaya.

"Sige, i-present niyo na sa akin 'yan," biglang sulpot ni Ma'am Inah. Tinignan ko naman si Chord at nakita ko na naman 'yong blangko niyang mukha. 

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now