"wala..." bulong nito.

"hinaharang niya ang isip mo Romanov. Makapangyarihan si Anulfo, magagawa niya lahat ng naaayon sa gusto niya, makakabuti man o makakasama." Paliwanag ng batang matanda sa magulong sitwasyon

Tahimik na lumabas ng silid si Lucas habang bitbit ang tray ng basin at basang bimpo.

"Mahimbing pa rin ang tulog niya. Pinunasan ko siya para maging kumportable siya ngayong gabi." lahad niya

Bagsak ang balikat at nangangalumata itong pumihit sa kanan para magtungo sa banyo. Litong lito ang binata, maraming ideya at teorya ang namumuo sa isip niya. Sino ba talaga si Ira? Anong kaugnayan ng mga buhay nila sa nakaraan? 

Naaalala niya pa kung paano manayo ang balahibo niya ng sambitin nito ang pangalang 'Gregory' sa harap niya. Pero hindi rin maaalis sa alaala niya kung paano nito tignan ang nakahandusay na si Romanov ng gabing iyon. Nakita niya, naramdaman niya ang emosyon na iyon sa  mga mata ni Ira. 

Muling bumalik ang pangyayari sa isip niya, parang sirang plaka lang itong naguulit ulit sa memorya niya. 

:"Gregory...":

"Gregory..."

"Gregory..."

NAGTIPON TIPON muli sila ng sumapit ang umagahan. Wala ni isa sa kanila ang natulog sa paghahanda sa anumang nilalang na susugod. Kailangan nilang mgin alisto sa bawat oras, hindi nila alam kung kailan mangyayari ang kamalasan at saan ito magaganap.

"Lucas, paano kayo nagkatagpo ni Romanov?" mausisang tanong ni Kael sa matalik na kaibigan. Nakapatong ang dalawang siko nito sa kanyang binti, magkadaop ang palad at nakapatong ang baba sa mga ito. 

Masuri muna niyang ang ekspresyon sa mukha ng bawat isa na naghihintay sa kanyang sagot. Ano nga ba? Ano nga bang maisasagot niya kung ito rin mismo ay tinatanong niya din sa sarili. 

"Ang totoo...hindi ko maalala. Alam ko lamang ay ang pagkakasugapaan namin ng itim na usok." sagot niya

Nagbigay sa kanya ng tingin na hindi makapaniwala at pagdududa. Sino nga naman ang maniniwala sa kanya? Paano mo sasabihin na wala kang maalala kung paano kayo nagkita pero naaalala mo na nagkakasagupaan na kayo? Malabo. Sobrang labo.

hindi masususkat ang emosyon na nasa mukha ni Romanov ng sandaling iyon. Wala naman siyang maaring i-reaksyon dahil wala rin siyang maaalala, pero may rason siya at si Lucas ay wala. Tinatantya niya ang binata kung nagsasabi ba ito ng totoo pero wala siyang matimbang sa dalawa.

Matapos ang tahimik na paguusap ay nagkanya kanya na sila ng pagpapahinga. Dinoble ni Madonna ang invisibility barrier ng bahay niya at ang depensa nito kung sakalaking may maglakas loob na pumasok. Nun lang napansin ng mga binata ang nakaukit sa likuran ng bawat pintuan at binata. Ang simbolo ni Nemesis, palaso. 

Mahimbang pa din ang tulog ni Ira kahit na sinadya ni Lucas ang pagalog sa higaan nang humiga ito. Bigo pa rin ang bawat panggugulo niya rito. Kung maari lang ay nayugyog na niya ito. Makailang beses na nitong napingkot ang tungki ng ilong, tenga at pisngi ng dalaga. Napugpog na rin ang labi nito sa mga halik niya pero sa huli siya rin ang napagod. Inilusot nito ang braso sa batok ng dalaga saka inilapit ito sa kanya at niyakap. 

"Marami akong gustong itanong. Marami akong naiisip. Pero gusto kong ilabas yon kapag nagising ka na, kaya pwede ba? Tapusin mo na yang panaginip mo sa akin. Mas masarap ako kapag gising" natatawa niyang bulong sa dalaga at hinalikan ang sintido nito.

Dumbfounded, he heard her soft chuckles. Bumubungisngis ito sa dibdib niya nang silipin ito. Napaupo siya at tinitigan pa kung talaga bang hindi siya namamalikmata.

"GISING KA?!" 

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon