67: Remember

1.3K 24 6
                                    

*THEA*

 

“What’s that?” tanong sa akin ni Kuya Max. “Wow naman bunso. Galing naman. Did you write all these?”

 

Nangiti ako sa kanya saka hinayaan siyang tignan yung yellow pad na pinagsusulatan ko. He surveys my scratch work for the 2000 word essay na pinaassignment sa amin sa Psychology.

I’ve been stalling on that for a few days already. Hindi ko rin kasi trip na gumawa ng essay about ‘functions and uses of the human memory’. I’ve been putting it off but it can’t just be helped I still needed to do it.

“You did this how long? Thirty minutes palang ata nung iniwan ka namin dito.”

“Naumpisahan ko na kasi yan kuya. Nastuck lang ako sa first paragraph, itinuloy ko nalang.” Paliwanag ko sa kanya and he smiles at me.

Binalik niya yung papel sa akin. “Maganda yan, bunso. Pagpatuloy lang baby.” Sabi niya, sabay halik sa tuktok ng ulo ko,

 

I just smiled at him, sneaking a glance at the bed kung saan nakahiga parin si Jacob.

Three weeks.

It’s been three weeks since the accident.

He’s out of ICU. Nasa isang private room na siya actually, but his machines were still on there. Stable na daw siya, but still, hindi parin sure ng lahat kung kailan siya gigising. Hanggang naghilom na rin yung mga sugat niya, nagrerepair na rind aw yung buto niya.

Yun ang progress na allowed akong malaman. Take note, allowed.

Sila Mama ang kausap ng doctor, along with Kuya Max and Ate She na nandito sa Manila for some odd reason. Hindi na nila ako pinasama dahil ako nagbabantay kay Jacob. Pag Tuesday, Thursday, Saturday at Sunday kasi ako walang pasok. MWF lang kasi yung sa sched ko.

I still go to school diligently. Hindi ko pinapabayaan ang studies ko dahil alam kong pag pinabayaan ko ito, isang magiging dahilan lang ito para palayuin ako sa kanya. Para pagbawalan akong hindi na muna siya makita. Para sabihan akong hindi ko nalang dapat siya pagtuunan ng pansin.

I want to be responsible, dahil na rin na alam kong yun yung gusto ni Jake kung gising siya.

Courtney started going to school with me weeks ago and of course, sobrang sweet parin nila ni Kuya Keith. Masyado na ngang nakakairita minsan e. But I was happy for them. Seriously.

I just wished silently na nandito rin si Jake para kami rin masaya.

“THIS IS RIDICULOUS! Talaga bang kami laging huling makakaalam??”

Napalingon kaming dalawa ni Kuya Max, who was sitting at the sofa beside me, sa may door ng private room and nakita namin si Ate Kate with Kuya Rob holding the door and closing it with a soft click. Napatayo ako bigla, causing my mechanical pen and my pad paper to fall on the floor.

Back at Step One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon