(30) #OWLHeartbreak

1K 68 0
                                    

ALEX'S POV

- 7:28 AM -

Waaaa! Hindi ako nakatulog ng maayos. Hindi ko pa rin kasi matanggap na nagsinungaling sa'kin si Joseph.


Bakit siya nagsinungaling sa'kin?


Kabit ba talaga niya yung babaeng kasama niya kahapon?


Nagsasawa na ba siya sa'kin?


"Hello Ivy."


Teka, boses yun si Joseph ah.


At ano raw? Ivy? Yan na ba ang pangalan ng babaeng kasama niya kahapon sa mall?


Pinakinggan ko mabuti ang pinag-uusapan nina Joseph at nang Ivy na yan.


"Yeah! Papunta na ako diyan... Don't worry dahil tulog ang asawa ko... Okay... Yeah! I love you too... Okay, see you..." - Joseph


Parang gusto kong sampalin si Joseph nang marinig kong nag-I love you too siya sa Ivy na yan.


I knew it.


Kabit niya talaga yang babaeng yan.


Narinig ko naman ang pagsara ng pintuan. Sa tingin ko ay lumabas na siya ng kwarto.


Bumangon naman ako mula sa kama. Kinuha ko ang shades at cap sa drawer ko at sinuot yun.


Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto at balak kong sundan si Joseph. Gusto kong makita ang kabit niya at makaharap silang dalawa.


Pinauna ko muna si Joseph sa garahe para ilabas ang kotse niya.


Pagkalabas ng kotse niya ay palihim akong pumasok sa garahe para kunin ang bike ko.


Nang makuha ko na ang bike ay nagtago ako sa gilid ng kotse niya malayo sa driver's seat para hindi niya ako makita mula sa salamin.


Nang umandar na ang kotse niya ay pasimple ko siyang sinundan. Sinigurado kong hindi niya ako makikitang sinusundan ko siya.


Nasa kalagitnaan na ako ng pagsunod sa kanya nang biglang tumigil ang kotse.


Napatigil rin ako.


Pero agad namang umandar ang kotse kaya pinaandar ko rin ang bike ko para sundan ulit siya.


Tumigil ang kotse sa tapat ng Chowking. Dito yata sila magkikita ng kabit niya.


"Joseph." narinig kong tawag ng isang babae kay Joseph.


Napatingin naman ako sa babae.

One Week Love: Isang Linggong Pag-ibigKde žijí příběhy. Začni objevovat