(10) #OWLRevengeOverNaBa

1K 68 0
                                    

ALEX'S POV

I'm here at the mall to buy new clothes and high heels. Medyo luma na rin kasi ang mga damit ko and I want to wear something new. Yung para bang in ako sa uso.


Habang tinitignan ko ang mga damit dito sa Dyosa's Clothing Line ay may pumukaw sa atensyon ko.


Wow! Ang gandang bag. Kailangan kong mabili yan.


Lumapit ako sa kulay pink na shoulder bag at kukunin ko na sana ito nang may isang kamay na humawak din sa bag. Bale pareho naming hawak ang shoulder bag.


"Excuse me? Remove your hands to my bag." mataray na sabi sa'kin ng babae.


Aba't sarap sabunutan 'tong babaeng 'to. Bag niya raw. Hindi pa nga niya nabibili, bag na niya agad.


"Excuse me rin Miss pero ako ang nauna nito." mataray kong sabi sa babae. Totoo namang nauna ako. Nauna ako sa kanya ng .01 seconds.


"I don't care kung ikaw ang nauna basta akin 'to." sabay agaw sa'kin ang bag.


Hindi naman ako nagpatalo. Nakipag-agawan din ako sa kanya.


"No, ako ang nauna rito kaya akin 'to." sabi ko sa babae habang inaagaw sa kanya ang bag.


Ayoko na ulit matalo. Natalo na nga ako sa pag-ibig. Pati ba naman sa bag, matatalo rin ako.


Habang nag-aagawan kami ay may pumigil sa'min.


"Tama na po yan Ma'am. Marami pa pong stocks niyan." pagpipigil sa'min ng babaeng saleslady pero hindi namin siya pinansin.


"Anong nangyayari dito?"


Napatigil naman ako nang may narinig akong isang pamilyar na boses.


Napatigil naman ang babae at bigla siyang lumapit sa nagsalita.


"Waaaa! Babe, inaway niya ako. Huhuhu! Ako ang nauna sa handbag na yan pero bigla siyang lumitaw at inagaw yun sa'kin." pabebeng sabi ng babae.


How great! Hindi dahil sa sinabi ng babae. Kundi sa dinami-dami ng lalakeng makikita ko ay siya pa talaga ang makikita ko.

One Week Love: Isang Linggong Pag-ibigWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu