(17) #OWLVacation

1K 67 0
                                    

ALEX'S POV

Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Mukhang naparami yata ang inom ko.


Minulat ko ang mga mata ko.


O_______O


Teka, nasaan ako?


Napatingin ako sa ilalim ng kumot na ginagamit ko ngayon.


Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita kong kumpleto pa ang suot ko.


Teka, ano ba ang nangyari kagabi?


Pinilit kong inalala ang pangyayari kagabi sa clubhouse.


*flashback*


"Teka, bitawan mo nga ako?" sabi ko sa kasama kong lalaki na nakalimutan ko na ang pangalan.


"Tara na sa taas. Maglalaro lang naman tayo do'n." sabi sa'kin ng lalaki habang hinihila niya ako.


"Ayoko nga eh." pagpupumiglas ko.


"Sige na, maglaro tayo sa taas. Sigurado akong mag-eenjoy k..."


Hindi natuloy ang pagsasalita ng lalaki nang may biglang sumuntok sa kanya.


"Fuck you! Maghanap ka ng ibang babaeng babastusin mo!"


Hindi ko maaninag ang mukha ng sumuntok, at hindi ko rin siya napigilan pa dahil lasing na talaga ako.


"J-joseph, magpapaliwanag ako. Inutusan lang ako ng kai..."


"Stop that crap. I don't need your explanation."


May biglang humila sa'kin papalabas ng clubhouse.


"Teka, b-btawan mo nga a-ako. S-sino ka b..."


Hindi natuloy ang pagsasalita ko nang may biglang humalik sa'kin.


"Just shut up and trust me." sabi ng lalaking humila sa'kin. Parang pamilyar ang boses niya.


Hinalikan niya ulit ako sa labi.


Dahil sa kalasingan ay tumugon naman ako.


*end of flashback*


Hala!


O______O


Totoo ba ang naalala ko?


May humalik sa'kin ay tumugon ako?

One Week Love: Isang Linggong Pag-ibigWhere stories live. Discover now