(6) #OWLSabado

1K 69 0
                                    

ALEX'S POV

- CAVITE -

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw. Grabe, ang ganda ng panaginip ko. 


Kinasal daw kami ni Joseph at tumira kami sa aming palasyo kasama ang mga anak namin.


"Good morning Our Dear Princess. Ready na ang breakfast." sabi sa'kin ni Yaya.


Tumango naman ako kay Yaya at nagtungo sa dining area para mag-breakfast.


"Good morning Our Dear Princess. Ready ka na ba sa family bonding natin?" tanong sa'kin ni Mom.


"Yes Mom." masayang sagot ko.


"Ang saya naman ng Princess natin." nakangiting sabi ni Dad.


"Yes Dad, dahil kasama ko kayo." masayang sabi ko sa kanila.


Kumain na kami nina Mom, Dad at Yaya ng breakfast.


Now this is what we called happy family.


📌

Pagkatapos naming mag-breakfast ay naghanda na kami para sa family bonding namin.


Lumabas kami at gumawa ng sand castle sa may dalampasigan.


"Waaaa! Ang daya mo hon. Sinira mo ang sand castle ko." sabi ni Mom kay Dad.


Tumawa naman kami ni Yaya.


"Sorry hon pero hindi mo ako matatalo." sabi ni Dad kay Mom na may halong pang-aasar.


Ang cute nilang tignan. Para silang mga bata despite of their age. Sana ganyan din kami ni Joseph pagtanda namin.


📌

Nag-swimming din kami at nagkaroon ng race. 


Mom vs. Dad.


At si Mom ang nanalo.


"Yes, I won. Bleh!" masayang sabi ni Mom sabay behlat kay Dad.


"P-pinagbigyan lang kita hon." sabi ni Dad na parang hindi makapaniwalang natalo siya ni Mom.


He looks priceless. Hahaha!


"Pinagbigyan hon? Pero yung mukha mo, epic. Parang nalugi ka. Hahahaha!" natatawang sabi ni Mom.


Sana ganyan din kami ni Joseph mag-asaran. Yung masaya lang kami.


📌

Kinagabihan ay kumain kami sa isang restaurant.


One Week Love: Isang Linggong Pag-ibigWhere stories live. Discover now