(13) #OWLEngagementParty

1K 69 0
                                    

ALEX'S POV

- MONDAY MORNING -

"Good morning Our Dear Princess." bati sa'kin ni Mom nang makarating ako sa kusina.


"Good morning din Mom." bati ko naman kay Mom.


"Pinaghanda kita ng breakfast." - Mom


Umupo ako sa upuan at kumain ng breakfast na niluto sa'kin ni Mom.


"Oo nga pala, mamayang gabi ay may pupuntahan tayong engagement party." sabi sa'kin ni Mom. Hala! Parang biglaan naman yata yan. Hindi pa naman ako prepared.


Naalala ko bigla ang panaginip ko.


"For you my fiancée." sabi ni Joseph sabay abot sa'kin ng bouquet of flowers at box of chocolates.


Bakit ko pa yun naalala?


Kainis naman.


Imposible namang maging fiancé ko si Joseph.


Pagkatapos kong kumain ay naghanda na ako para sa school.


THIRD PERSON'S POV

Magkasama sina Ann, Cassie, Stevie at Alex ngayon papuntang Rodriguez University.


Habang naglalakad sila ay nakita ni Alex si Joseph na may kasamang babae.


"Al, may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Ann kay Alex. Napatingin naman si Ann sa tinitignan ni Alex.


"Al, hayaan mo na siya. Masasaktan ka lang." sabi ni Ann kay Alex. Huminga naman ng malalim si Alex.


"Wag lang mag-alala Ann. Okay lang ako." tugon ni Alex sa kaibigan niya.


"Buti naman kung gan'on. Pero mas mabuti na hindi mo tinuloy ang paghihiganti mo sa kanya at pinili mong mag-move on." - Ann


Natauhan na rin sa wakas si Alex at tinigil niya ang paghihiganti kay Joseph. Dahil napagtanto niya na walang magbabago kahit nakaganti na siya sa lalakeng nangloko sa kanya.


JOSEPH'S POV

"Kuya, bilhan mo ako ng chicharon after class ha." sabi sa'kin ng kapatid kong si Barbie. Ang takaw talaga nito kahit kelan.


"Sige lang kapatid kong matakaw." sabi ko sa kapatid ko. Binigyan naman niya ako ng masamang tingin.


"Ang sama mo talaga Kuya." sabi sa'kin ni Barbie.


Habang naglalakad kami ni Barbie papuntang Rodriguez University ay nakita ko si Alex na kasama si Ann at ang dalawa pa niyang kaibigan. Sina Cassie at Stevie.

One Week Love: Isang Linggong Pag-ibigOnde histórias criam vida. Descubra agora