(3) #OWLMiyerkules

1K 67 0
                                    

ALEX'S POV

"Alex, I have something to tell you." sabi sa'kin ni Joseph.


Nagtaka naman ako kung bakit Alex na lang ang tawag niya sa'kin at hindi na baby. Yung endearment namin.


"Ano yun baby?" nagtatakang tanong ko sa kanya.


"Maghiwalay na tayo." sabi sa'kin ni Joseph na ikinatulala ko.


"Anong sinabi mo?" tulala kong tanong. Sana mali ang narinig ko mula sa kanya.


"Maghiwalay na tayo. Hindi na kita mahal." sagot niya sa'kin nang walang emosyon.


"Ano? Maghiwalay na tayo? Hindi mo na ako mahal?"


Maiiyak na ako dahil sa sinabi niya.


"Oo kaya wag mo na akong lalapitan pa." sagot sa'kin ni Joseph at umalis na siya.


📌

"JOSEPH!"


Napabangon ako bigla sa kama.


Panaginip lang pala yun.


Nakahinga naman ako nang maluwag. Akala ko totoo yung nangyaring hiniwalayan ako ni Joseph.


Panaginip lang pala.


Pero bakit parang totoo?


- RODRIGUEZ UNIVERSITY -

"Baby, gala tayo sa mall." masiglang sabi sa'kin ni Joseph.


"May pasok pa tayo." sabi ko sa kanya.


Parang nanghinayang ako sa sinabi ko sa kanya. Huhuhu! Gusto ko ring gumala sa mall kasama siya.


"Pwede mo namang i-excuse sa mga professors natin na may lakad tayo. Tandaan mong ikaw ang anak ng may-ari ng Rodriguez University." - Joseph


Nabuhayan naman ako sa sinabi niya.


"Oo nga noh. Bakit hindi ko yun naisip?" sabi ko kay Joseph.


Tinawagan ko ang mga professors ko at ni Joseph na hindi muna kami makakapasok ngayon.


Nang nakapag-excuse na ako ay gumala kami ni Joseph sa mall.


"Grabe, nakakapagod gumala." sabi ko kay Joseph.


"Sa food court muna tayo, baby." - Joseph


Pumunta kami ni Joseph sa food court para kumain.


Marami kaming nakaing pagkain sa food court.

One Week Love: Isang Linggong Pag-ibigWhere stories live. Discover now