(2) #OWLMartes

1K 66 0
                                    

ALEX'S POV

Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon.


Ang daming nangyari.


Hindi pa rin ako makaget-over na boyfriend ko na ang lalakeng mahal ko.


Pero dahil sa nangyari kahapon ay hindi ako nakatulog. Huhuhu!


*krrrrrrriiiiiiiiiiiiinnnnggggggg!*


"WAAAAAAAAAAAA!"


Napasigaw ako bigla dahil sa tunog ng alarm clock ko.


Kinuha ko ang alarm clock sa bedside table at itinapon ko yun sa kabilang dimensyon.


Bumangon na ako sa kama at nag-ready na para sa school. Kahit puyat ako ay masaya pa rin ako. Gosh! Excited na akong makita ang boyfriend ko. Enebe!


📌

"Al, anong nangyari sa'yo? Bakit may eyebags ka?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Ann.


"Ann, may goodnews ako sa'yo." masayang sabi ko sa kanya.


"Anong goodnews yan?" tanong sa'kin ni Ann sabay inom ng Gatorade.


"Kami na ni Joseph."


Biglang naibuga ni Ann ang iniinom niyang Gatorade sa mukha ko. Ewwwww! Kadiri naman.


"ANO? KAYO NA NI JOSEPH?" nakangangang sabi ni Ann.


Itinikom ko naman ang nakangangang bibig ni Ann. Ang OA naman ng friend ko.


"Oo Ann. Ang saya ko nga eh." masayang sabi ko.


"Ang bilis naman yan Al. Kahapon pa nga lang kayo nagkakilala at kayo na agad?" hindi makapaniwalang sabi ni Ann.


"Ang OA mo talaga Ann." sabi ko na lang sa kanya.


"Hay naku Al. Baka lokohin ka lang niya sa huli." - Ann


"Hindi yun mangyayari."


*riiiiiiiinnnnnnggggggggg!*


Biglang nag-ring ang phone ko. Chineck ko kung sino yung tumatawag.



Joseph My Baby

calling...



Waaaaaa! Si Joseph. Gosh! Ang heart ko. Enebe!

One Week Love: Isang Linggong Pag-ibigWhere stories live. Discover now