(23) #OWLPreggyAlex

1K 66 0
                                    

ALEX'S POV

- SECOND MONTH OF PREGNANCY -

Two months ang nakalipas nang maniwala akong buntis ako.


Noon kasi ay hindi talaga ako naniwala kay Dra. Dyosa dahil baka nagkamali lang siya. Nagkakamali rin naman minsan ang Doctor. Nobody is perfect.


Pero nang mapansin kong lumalaki na ang tiyan ko ay naniwala na akong buntis talaga ako. Bumili rin kami ni Joseph ng limang pregnancy kit dati at lahat puro dalawang linya.


"Baby, may gusto ka bang kainin?" tanong sa'kin ni Joseph.


May bigla namang pumasok na pagkain sa isip ko. Na-crave ako bigla.


"Gusto ko ng ice cream na may cheesedog." sabi ko kay Joseph.


"Ice cream na may cheesedog? Seriously." - Joseph


"Eh yan ang gusto kong kainin e." sabi ko sa kanya.


"If that's what you want. I'll give it to you." tugon niya sa'kin na ikinatuwa ko. Hinalikan ko pa nga siya sa labi dahil sa tuwa.


- FOURTH MONTH OF PREGNANCY -

Papunta kami ngayon kay Dra. Dyosa para tignan ang gender ng magiging baby namin ni Joseph. Kanina pang parang hindi mapakali sa excitement si Joseph na malaman ang gender ng baby namin.


"Kapag lalake ang magiging anak natin, Alexander ang ipapangalan natin." sabi sa'kin ni Joseph.


Magandang pangalan. Parang galing sa pangalan ko.


"Okay, pero paano kung babae ang anak natin?" tanong ko sa kanya.


"Ikaw na mag-isip ng pangalan." sagot niya sa'kin.


Nag-isip naman ako ng pangalan ng babae.


"Kung Alex na lang kaya? Kapangalan ko." suggestion ko.


"Masyadong common. Dapat ibahin natin ng konti." - Joseph


May point siya.


"Ikaw na lang kaya ang mag-isip." sabi ko kay Joseph.


"What if Alexa na lang kapag babae." - Joseph


"Ay gusto ko yan." pagsang-ayon ko sa kanya.


Alexa sounds nice.


Nang makarating kami sa hospital ay pinuntahan namin si Dra. Dyosa.


"Excited na ba kayong malaman ang gender ng baby niyo?" tanong sa'min ni Dra. Dyosa.


"Opo Doc lalo na si Joseph. Kanina pa nga siya hindi mapakali." sagot ko na ikinatawa ni Dra. Dyosa.

One Week Love: Isang Linggong Pag-ibigWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu