Nineteen

2.8K 111 35
                                    

"No." Panglima niyang sabi.

I groaned. "Evan Jaye! I need sunlight!"

"Go to the garden." He dismissed me.

Umirap ako. "Please? Sandali lang naman ako."

Tiningnan niya ako ng masama. "No, Artemis Riera. Stay here." Sabi niya bago binalik ang atensyon niya sa mga papeles niya.

"Then come with me. Wala na akong ibang magawa dito sa mansion." I pouted.

"You can flirt with me, I'll flirt back." He smirked at me.

Hinagis ko yung hawak kong unan sa kanya.

Kanina pa ako dito sa sofa ng opisina niya. Kanina ko pa siyang pinipilit na payagan akong pumunta sa downtown. Bored na bored na ako mashado dito.

"We always flirt, Evan." I said.

"So? I love flirting with you." He winked at me.

"Aba, dapat sakin ka lang naman talaga lalandi."

"Kaya nga," He said. "want to landi sa kama?"

"Don't make me throw this pillow at your face, EJ." I warned.

"Kahit anong itapon mo sa mukha ko, mahal pa rin kita." He smiled at me.

My heart melted. Goodness gracious, ang swerte ko naman sa lalaking to.

"Corny mo," Sabi ko para pagtakpan ang kilig ko. "pero please payagan mo na ako."

"No."

"Evan Jaye naman eh."

He rolled his eyes. "I have to go. I have a meeting with my Dad and brother," He said while fixing his things. Tumayo ako at tinulungan siya. "Sheryl and Maxi will be home soon, hintayin mo sila."

Nagrrounds kasi sina Sheryl and Maxi. I mentally sighed, kung lobo lang ako, kasama ko sila ngayon.

"Where's Nikolo and Zoel?"

"They'll come with me, sa Red Moon mansion kami magmmeeting." He said.

I pouted. "Can't I come?"

"No, I need you to stay here." He ordered.

I know why he's being overprotective right now. Charles is still out there, hindi pa rin siya nahuhuli. Ang Red Moon, Moonstone Delta pati Midnight Paws ay nagsama sama na para hanapin ang hayop na yun.

"Fine, I'll stay here." I said.

He sighed in relief. "Good," He kissed my forehead. "I'll be back soon. Kung may ipapabili ka sakin, mindli--..I mean text me." He said.

I bit my lip before nodding. "Okay, be safe. I love you."

He kissed my lips. "I love you, my Luna."

*****

Matapos kong magbihis ay agad akong bumaba ng palihim. Matigas ang ulo ko at ayokong makulong dito.

Sinigurado ko munang walang lobong nakabantay sa paligid bago pumunta sa lalagyan ng mga susi. Kinuha ko ang susi sa kotse ni Evan, gamit kasi nila ang pickup ni Nikolo kaya naiwan dito ang kotse ni Evan.

Agad kong kinuha ang susi ng kotse at dali daling lumabas. Buti nalang at malapit lang sa main door ng mansion ang kotse niya kaya agad kong nabuksan yun. Sumakay na ako at binuhay ang makina.

Agad kong pinaharurot ang kotse palayo dito sa mansion ng Moonstone Delta. Uuwi lang ako agad bago makauwi si Evan para di niya ako mapagalitan.

Hindi ganon kabilis at kabagal ang bilis ng takbo ko ngayon. Ito ang unang beses na nagmamaneho akong mag-isa matapos ang aksidente namin four years ago.

WolfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon