Six

2.7K 104 25
                                    

Maaga akong nagising ngayong araw dahil tanda kong magrrounds kami ngayon.

Teka, panaginip lang ba ang lahat ng nangyari kagabi?

Hindi na ako nagbihis ng maayos dahil mapupunit lang naman ito kapag magsshift na kami. Agad akong nag-almusal at lumabas sa mansion. Sinalubong naman ako ng mga kasama kong magrrounds ngayong umaga.

"Goodmorning, Beta Artemis." Bati nila sakin bago nagbow.

I bowed back. "Goodmorning," I smiled. "you guys ready?" I asked and they all nodded.

Tinanguan ko sila at sinenyasang magshift na. We all howled when we shifted. Liningon ko sila bago nagsimulang tumakbo palayo sa mansion namin.

"Ano bang target natin today?" Tanong ko sa kapwa Beta kong si Queenie habang tumatakbo.

"Actually, inutusan tayong maghanap ng mga magagandang lugar dito sa teritoryo natin." She replied.

"Huh? What for?" I asked.

"For your wedding, Emi." She said.

Humina ng konte ang pagtakbo ko nang maalala ko ang kasal ko sa susunod na buwan. Muntik kong makalimutan na dito nga pala sa Alaska magaganap ang kasal.

"Oh." Tipid kong sabi.

"I'm sorry, Emi." Tumingin siya sakin habang may kalungkutan sa mga mata niya.

Alam kong ang mga miyembro ng pack namin ay hindi masaya para sakin. Kahit naman magkakaroon kami ng benefit kapag ikasal kami ni Trevon, malungkot pa rin sila dahil iba ang pakakasalan ko at hindi ang mate ko. Alam nilang si Evan Knight ang mate ko and they are actually happy that a wolf from Red Moon is my mate. Everybody loves the Red Moon pack, especially me.

Marami na kaming nadaan na lugar na pwedeng pangyarihan ng kasal, kahit yung lugar kung san ikinasal sina Tita Jenesis at Tito Jase ay nadaanan na namin pero ni isang lugar ay wala akong nagustuhan. Siguro dahil ayokong ikasal.

Tumigil muna kami sa pagtakbo at nagpahinga ng ilang minuto. Almost two hours na rin kaming tumatakbo. Dito kami sa may ilog nagpahinga, dito rin sa ilog uminom ng tubig ang ibang mga lobo. Maarte ako sa tubig kaya hindi ako uminom.

Matapos ang ilang minuto ay tumakbo na ulit kami. Habang tumatakbo kami ay palingon lingon kami sa paligid namin para makakita kami ng magandang lugar para sa kasal ko. Psh.

Habang tumitingin ako ay may dalawang tao akong nakita mula sa right side ko. I frowned, sino naman kaya ang mga to?

Tumigil ako sa pagtatakbo dahil tinitingnan ko yung dalawang yun. Napansin ni Queenie na hindi ako nakasunod sa kanila kaya pinatigil niya ang iba.

Quennie jogged towards me. "Emi, ayos ka lang?"

"Ah, oo. Mauna na kayo, may iccheck lang ako dito. Parang may nakita akong magandang lugar dito sa gilid." Palusot ko.

"Sigurado ka? Gusto mo bang sumama ako sayo?" She asked.

"No, thanks. I'll be fine, sige na. Mindlink niyo lang ako kapag may nangyari."

Her wolf nodded. "Alright. See you later."

Tumango ako bago siya umikot at tumakbo palapit sa mga lobong kasama namin. Lumingon siya sakin bago sinenyasan ang iba na magpatuloy sa pagtakbo.

Sinigurado ko munang nakalayo na sila bago naglakad palapit sa dalawang tao na nakita ko. Mukha silang nag-aaway sa malayo kaya mas lumapit pa ako.

My heart skipped a beat when I realized it was Evan with Tito Wade. Mas nagulat ako nang makita kong nagsasanay sila. Napatingin ako sa paligid at napagtantong nasa teritoryo na pala kami ng Red Moon.

WolfireWhere stories live. Discover now