Fourteen

2K 81 23
                                    

"Where are we going?" I asked.

Si Ali ang nagmamaneho ngayon, pamilyar ang daang tinatahak namin ngayon pero ayoko namang mag-assume. Papunta sa hangout cabin namin ang kotse pero impossibleng alam ni Ali yun.

"You'll see." She smiled.

Di nagtagal ay pinarada niya na ang sasakyan sa isang nakatagong lugar. Sinabihan niya akong bumaba na dahil maglalakad lang kami.

And my gut was right. Sa cabin nga kami pupunta.

I frowned. "How did you know this place?"

"Someone told me," She said before opening the door for me. "go. Someone wants to see you."

Nakasimangot pa rin ako at kinakabahan. What if si Alpha Charles ang nandito? Baka dito mangyayari yung nasa panaginip ko?

Dahan dahan akong pumasok sa loob. It was quiet. I tried to smell the scent inside the cabin pero mga lumang amoy lang ang meron.

"Ali, I don't mean to be rude pero pwede bang diretsuhin mo nalang ako? Sinong nandito?" I asked before looking at her.

Tumingin siya sakin bago sa likuran ko. Binalik niya ang kanyang tingin sakin at ngumiti ng malapad. "Turn around."

I did. And I'm glad I did.

Evan Jaye was there. Nakasandal siya sa pader habang nakahalukipkip. He tilted his head before smirking.

"Hello, my Luna." He smirked.

A tear fell. Agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"I missed you!" Sigaw ko habang umiiyak sa dibdib niya.

He chuckled before hugging me back. "I missed you more."

Bumitaw ako sa yakap at tumingin kay Ali. She was smiling at us. "You guys are perfect."

"Ali, thank you," I cried. Naglakad ako palapit sa kanya at niyakap siya. "thank you so much."

"No worries, Emi. Alam kong gusto mo na ring makita si Evan."

"Did you tell him about my Tito's order?"

Lumayo siya ng konte sakin at ngumiti. "I didn't, wala ako sa posisyon para magsabi."

I smiled at her again. "Thank you, Ali."

Nabigla ako nang may humatak sakin palayo kay Alireza. Niyakap ako ng patalikod ni Evan at hinalikan ang leeg ko.

"Sa kusina lang ako, kanina pa kasing nagrereklamo yang si Evan. Gutom daw siya." Sabi ni Ali.

Mahina kong siniko si Evan. "Kay Ali ka pa nagreklamo. Kapal mo talaga."

"So? I'm an Alpha." He said.

I rolled my eyes and I heard Ali laugh. "She's also an Alpha."

"Whatever." He said before hugging me tightly.

"Wait, baka maamoy si Evan ng pack ko like before. I'm scared, Ali." I mindlinked her.

She gave me a warm smile. "Don't worry, I took care of that."

Nakahinga ako ng maluwag. "Thanks again."

Nagpaalam na siya at naglakad na papunta sa kusina. Pag alis ni Ali ay nabigla ako nang kargahin ako ni Evan papunta sa kwarto. Hinagis niya ako sa kama kaya minura ko siya.

"What?" Pang-aasar niya nang mapansin niyang masama ang tingin ko sa kanya.

"What what ka diyan! Bat mo ako binagsak? Hayop na to." Umirap ako.

WolfireOnde as histórias ganham vida. Descobre agora