One

5.5K 111 11
                                    

"Hi, Emi." Bati sakin ni Ate Jenesis habang tinatalian ng buhok si Zia.

Ngumiti ako bago nakipagbeso kay Ate Jenesis, humalik din ako sa pisngi ni Zia.

"Hi, Ate Emi!"

"Hello po Ate Jen and Zia, sina Tito Richard at Kuya Jase po?" I asked.

"Nasa meeting pa, susunod na nga ako eh."She sighed.

"Ah, okay po," Tumango ako. "si...EJ po?"

"As usual, nasa kwarto niya pa rin," Napailing si Ate Jenesis. "nako, Emi, kausapin mo na yang mate mong yan. Magiging Alpha na yan sa future pack niya kapag naging 23 na siya pero hanggang ngayon, hindi pa rin inaayos ang mga training niya. Hindi na nakikinig samin yan eh."

"Kahit naman sakin, Ate, hindi rin." I sighed.

Simula nung natapos na ang pag-aaral namin, naging distant na si EJ sakin. Hindi ko naman alam kung bakit, hindi rin naman siya nagsabi sakin kung may problema ba kami. Dapat nga malaman ko kung may problema ba dahil mate niya ako.

Kahit mates kami, hindi ko pa maipagyabang sa iba na legal na mates kami dahil hindi niya pa ako inaangkin. Sabi niya 'soon' pero kelan ba yun? Huli niyang sabi sakin nun ay before kami grumaduate. Akala ko nga sa graduation niya na ako aangkinin, yun na siguro ang the best graduation gift ko pero wala.

Naghintay ako, naghintay ako ng ilang buwan pero wala eh. Hindi niya pa rin ako inaangkin.
Hindi naman ako pwedeng magreklamo, siya yung lalaki at siya yung aangkin. Tsaka, hindi ko nga rin alam kung gusto ba ako ng lalaking yun,  hindi niya naman sinabi sakin. Basta ako, gustong gusto ko siya.

"Puntahan mo nalang muna yun, Emi. Baka namimiss ka na nun." Ngumiti sakin si Ate Jenesis.

Sana nga po eh. "Sige po, Ate Jen. See you later, Zia." I kissed her cheek before leaving.

Agad akong umakyat papunta sa kwarto ng lalaking yon. Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni EJ ay nakasalubong ko si Pierre.

"Uy, Tita Emi." Sabi ni Pierre sakin sabay halik sa pisngi ko.

"Hi, binatilyo. Musta?"

"Pogi pa rin naman, Tita Emi." He chuckled.

"Ulol," Tumawa ako.  "dun ka na nga." Sabi ko sabay tulak sa kanya ng bahagya, natawa lang naman siya.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ni EJ bago pumasok.

"...Yeah, I'll see you later...okay, bye."

"Hey." I choked. Sino kaya yun? A girl?

"Art," Tipid siyang ngumiti bago umayos ng upo sa kanyang kama. "what are you doing here?"

Napatingin ako sa kanyang kwarto. Napakagulo at napakadumi. Punyeta, obvious talaga na lalaki ang nakatira dito eh.

"Visiting," Sabi ko bago tumingin sa kanya. "sino yung kausap mo kanina?" I raised an eyebrow

"Jealous again, Art?" He chuckled. "don't worry, si Nikolo yun. May party sa kanila mamayang gabi, wanna join?"

"Party nanaman, J?" Napailing ako bago binagsak ang sarili ko sa kama niya. "unahin mo kaya muna ang mga training mo kesa diyan sa mga party party na yan?"

"Artemis," Uh-oh, naactivate ko ba ang beastmode niya? "ayoko. Ayokong magtraining, ayoko maging Alpha, ayokong magkaroon ng sariling pack. Ayoko."

Napalunok naman ako nang makita ang kanyang matatalas na ngipin nang bumukas ng konte ang bibig niya. Napatingin din ako sa mga mata niyang pumupula na.

WolfireWhere stories live. Discover now