Three

2.6K 93 21
                                    

"Excuse me?" Maawtoridad na sabi ni EJ sa gilid ko.

"Ano nanaman bang trip mo, Trevon?!" I mindlinked him.

He turned to me and smirked. "Nothing. It's true, you are my favorite Beta." He winked. Tumingin siya kay EJ. "I'll catch you all later. See you around." Ngumisi siya bago umalis.

Nakita kong umirap si EJ, nakayukom din ang kanyang kamao kaya hinawakan ko yun.

"Calm down. Sigurado akong pinaglalaruan ka lang nun, alam mo namang mapang-asar ang lalaking yun." I said calmly.

"Now he's using you to piss me off and I don't like it." Malamig niyang sabi.

"Hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa utak nung lalaki yun." Sabi naman ni Sheryl.

"Eh wala naman kasing utak yun." Humalakhak si Zoel at sinabayan siya ni Nikolo.

"Hoy, ang lakas lakas niyong tumawa. Baka nakakalimutan niyong nasa ibang teritoryo tayo, nakakahiya kayo." Umirap si Maxi.

"It's fine, Maxi. It's a party after all." Kalmadong sabi ni EJ bago dinikit muli ang kanyang labi sa balikat ko. .

"Hoy, Evan Jaye! Siguraduhin mong consistent na yang actions mo kay Emi, ha. Wag mo nang saktan ang puso niyan." Sheryl snapped.

I glared at her. "Ano ka ba! Okay na yung mood ni EJ, wag mo nang pabadtripin."

"Gaga, I'm doing this for you kasi ayoko nang sinasaktan ka ng lalaking to tsaka he's your mate! Dapat lang ay tratuhin ka niya ng maayos." She rolled her eyes at me.

Evan sighed and I sighed too. Okay na eh, okay na ako sa ganito kasimg isang gabi lang siyang ganito. Ayos na yun sakin.

Mabuti nalang at dumating si Kuya Jasen na karga karga si Zia para kausapin si EJ. Binati din kami nina Kuya Jase at Zia.

"Evan, I need to talk to you. In the meeting room." Sabi ni Kuya Jase, nakita ko namang nag-expand ng konte ang pupils ng gray eyes niya. Ganyan talaga ang mga mata niya kapag seryoso siyang makipag-usap.

"Now?" Tanong niya bago nilayo ang mukha niya sakin.

Dun ko lang napagtantong nakadikit pa rin yung labi niya sa balikat ko nung dumating si Kuya Jase. Nakakahiya! Pero okay lang naman siguro kay Kuya Jase, dahil ganito din naman sila ni Ate Jenesis. Pero mas grabe sila.

"Yes, now." I stiffened when Kuya Jasen used his Alpha tone.

Nasanay lang talaga akong maalerto kapag ginagamit na ng mga Alpha ang kanilang maawtoridad ng tono. I'm a Beta kaya palagi akong nakakarinig ng ganyan ng tono mula kay Tito Oliver.

Naunang umalis si Kuya Jasen at pumasok sa loob ng mansion. Tumingin sakin si EJ at humalik sa pisngi ko bago tumayo.

"I'll be back," He said to me. "bantayan niyo siya para sakin." Sabi niya kina Zoel. I was surprised when he used his Alpha tone.

Ang manly! Nakakapanibago. Gusto ko siyang magsalita palagi gamit ang tonong yun.

"Wow, first time kong narinig si EJ na gamitin ang Alpha tone niya." Sabi ni Maxi at tumango ako.

"May ibubuga pa pala tong si EJ." Tumawa si Nikolo.

"Ginamit niya yung Alpha tone niya so ibig sabihin tanggap na niya maging Alpha?" Tanong ni Sheryl.

Tumingin ako sa kanya at lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya. "You may be right. Sana nga tanggap niya nang magiging Alpha siya."

"When will EJ turn 23?" Tanong ni Maxi.

WolfireWhere stories live. Discover now