Fifteen

2K 103 23
                                    

I couldn't sleep. It was already midnight and I'm still wide awake. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Alireza sakin.

Her mate was killed, and her own father killed her mate. How cruel!

Hindi ko maimagine kung gano kasakit ang naramdaman ni Alireza, physically and mentally. When your mate dies, you'll feel pain too. Kung anong sakit ang mararamdaman ng mate mo, mararamdaman mo rin. But you can only feel what they will feel if your mate claimed you.

Paikot ikot lang ako sa kama ko buong gabi. Hanggang sa nag madaling araw nalang, gising na gising pa rin ako.

Nung lumiwanag na, bumangon na ako. Naligo na ako at nagbihis. Hindi ako sanay na magising ng ganito kaaga.

Habang pababa ako ay nakasalubong ko si Tito na naglalakad papunta sa opisina niya habang may hawak na kape. Kumunot ang noo niya nang makita niya ako.

"Emi? Why are you up so early?" Tanong niya nang makababa na ako.

"U-Uh, I'm..." Nako, eto yung mahirap na part eh. Ang mag-isip ng palusot on the spot.

He sighed. "Is it because of Alpha Charles' sudden announcement?"

Napatingin ako sa kanya. Lumunok ako bago tumango. "Y-Yes, Tito."

"I'm sorry, Emi. Kahit ako nagulat, but I couldn't do anything to change his mind. Pumayag ako sa original date but the new date is just too soon."

I frowned. "Why not, Tito? You're an Alpha too."

"I am an Alpha but Alpha Charles is stronger than me and my pack." He said.

Power. I just hate talking about that word. Tons of Alphas here are very greedy with power. 

"Okay, Tito." Sabi ko nalang. I have to let it go dahil ayokong magtalo kami ni Tito.

"You should go for a run, Emi," He said before tapping my shoulder. "maghahanap ako ng mga available wolves para masamahan ka."

"Uh, Tito, is it okay if I'll go alone?" I asked. Bago pa siya makaangal ay inunahan ko na siya. "I promise I'll behave. Mananatili lang ako sa teritoryo natin."

He studied my face before exhaling. "Fine," He checked his wristwatch. "be back before 8 am."

Sumulyap ako sa wall clock namin at nakitang 6 am pa. Tumingin ako kay Tito bago ngumiti. "Okay, Tito. Thank you." I hugged him before leaving.

Nagtago ako sa gilid ng bahay bago hinubad yung shorts at sweater ko. Paborito ko kasi ang mga ito kaya ayokong mapunit kapag magsshift na ako.

Nang mahubad ko na ang mga ito ay agad akong nagshift. Paglabas ko ay may mga nakasalubong akong mga miyembro ng pack namin.

"Goodmorning, Beta Artemis." They both greeted.

I nodded at them and barked lightly before taking off.

Napakagaan sa pakiramdam na tumakbo sa lobo kong anyo. I feel so problem free when I'm alone, running in the woods.

"Behind you."

Nagulat ako nang may magsalita sa isip ko. Napatingin ako sa likod ko at nakita ang isang malaking light gray wolf na hinahabol ako. He looked so furious and he was so fast. Malapit niya na akong maabutan.

"What are you doing here?!"

Oh my God, nasa teritoryo pa namin siya. Maaamoy siya!

"I need to talk to you."

Agad akong tumakbo sa ibang direksyon. Lalabas ako sa teritoryo namin para hindi na masundan ang amoy niya.

Nang makalabas na kami sa teritoryo namin ay agad akong naghanap ng lugar kung san tahimik at walang makakakita samin.

WolfireWhere stories live. Discover now