Two

3.7K 103 27
                                    

"Goodmorning, Emi!"

I know that voice. I groaned and covered my face with my pillow.

"Emi naman, gising na. May training pa tayo!"

"Shut up, Maxi." Mahina kong sabi.

"Shut up ka rin," Tumawa siya. "dali na kasi! Ako yung mananagot kay Alpha Oliver nito kung di ka gigising."

"Five more minutes, please." I begged.

Bat ang energetic niya habang ako kulang pa sa energy? Nag milo ba to?

"Five more minutes mong mukha mo! Bilis na. Sige ka, tatawagan ko si EJ!" Banta niya.

I groaned loudly. Inalis ko yung unan sa mukha ko at umupo sa kama ko. Ngumiti siya ng painosente sakin kaya hinampas ko sa mukha niya yung unan. Pinagmumura niya ako kaya dali dali akong bumangon at pumasok sa banyo.

*****

"Sa training grounds tayo ng Red Moon Pack magttrain ngayon..." Sabi ng trainer namin habang naglalakad siya ng paleft and right.

kaming mga trainees ay nakatayo ng tuwid habang nakaharap sa kanya. Nasa likod namin ang aming mga kamay at nakikinig ng maayos sa aming trainor.

"Bat dun..." I whispered to myself.

Hindi na ako kinabahan dun dahil alam ko namang hindi sasali sa training si Evan. Kelan ba sumasali sa trainings yun?

"...okay. You may shift now, dumiretso kayo sa mansion ng Red Moon. Kakausapin muna kayo  ni Alpha Jasen bago magttraining." Yan ang huli niyang instructions bago nilapitan si Alpha Oliver at kinausap.

Lumapit sakin sina Maxi at Sheryl at ngumisi.

"Kakausapin daw tayo ng brother-in-law mo." Maxi giggled.

"Anong brother-in-law ang pinagsasabi mo diyan?" I rolled my eyes.

"Sa teritoryo tayo ng Red Moon ngayon, may chance na magkikita kayo ni EJ. Excited ka ba?" Asar ni Sheryl.

"Hindi! Tumigil na nga kayo, isusumbong ko kayo kay Nikolo at Zoel!"

Speaking of Zoel and Nikolo...

"Girls, tara!" Sigaw ni Zoel samin bago nagshift.

"Tara na, ang babagal niyo pa naman." Ngumisi si Nikolo bago nagshift.

Umirap sina Sheryl at Maxi bago nagshift. Tiningnan nila ako bago nilapitan yung dalawang lalaki. I sighed before shifting.

Nagjog ako palapit sa kanila. "Can we ditch the training? Wala ako sa mood magtraining ngayon."

"Wala ka sa mood? O ayaw mo lang makita si EJ?" Asar ni Zoel.

"Ugh." Umirap ako bago tumatakbo palayo dito.

They howled before following me.

Pagkarating namin sa mansion ng Red Moon ay nandun na si Alpha Jasen. Hawak ng kanyang kanang kamay ang kamay ng kanyang Luna na si Ate Jenesis. Habang ang kanyang kaliwang kamay ay nasa kanyang bulsa.

Okay, no sign of Evan Jaye.

Ngumiti si Ate Jenesis nang makita niya kami. Tumango lang si Kuya Jase.

Nang makarating na ang lahat ng mga trainees mula sa aming pack ay nagsalita na si Kuya Jase.

"Welcome, trainees. Hindi ko na pahahabain tong sasabihin ko. I just want you to know that my brother, Evan, will be joining your training today." Sabi ni Kuya Jasen.

WolfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon