Chapter 29 - Moving on

2.1K 56 0
                                    

Busy Friday.  Tambak na paperworks , plus board meeting mamayang hapon ang haharapin nya. Darating na kasi ang bagong partners nila sa company at mamaya nya pa lang makikilala kung sino ito.

Tok tok tok...

Inis syang tumayo sa kinauupuan nya. Kung may matino lang sana syang secretary o assistant na gagawa ng maliliit na bagay para sa kanya, katulad ng pagbubukas ng pinto, kaso wala.

"Sir Steve, pinagtimpla kita ng coffee, break ka muna"

"Ella, did I call you and give you instruction to make a coffee for me"

"N- no sir"

"So what are you doing here?"

"Sorry sir.. akala ko kasi gusto nyo. Sige po, akin na lang ito.. ako na iinom"

"Next time, kung hindi naman importante, wag kang pupunta rito, or itawag mo muna sa phone"

"Sorry sir, hindi na po mauulit"

Hindi naman sya naninigaw. Bihira rin syang magsungit sa mga empleyado. As always, sya pa rin ang dating Steven na tahimik at laging walang imik. At kung pagalitan man nya ang mga tao ay tinitiyak nya na malumanay ang kanyang boses para hindi sya makasakit ng damdamin. Pero sobra na ang isang to, alam nya na pinipilit lang talaga ni Ella na magkalapit sila kaya kung anu ano ang gimik na ginagawa nito.

Si Ella ang tumatayong OIC ng HR and Admin habang hinihintay nilang dumating ang isang parter na syang magiging Chief Operations Officer at magtatake over ng division. Maganda ito at Sophisticated, dagdag pa impressing ang scholastic record nito, may pagkasuplada lang at mataray. Tiklop lang ito sa mga big boss, lalo na kay Grace. Nagiging mala anghel naman ang maganda nitong mukha pag kaharap na si Steven, bagay na malayo  sa totoo nitong personalidad. Lahat ata ng babae sa office ay may crush sa ex-priest na ngayon ay presidente na ng kanilang kumpanya. Pero number one fan at pinakaobvious si Ella.

Si Dianne ang nag interview dito ng nagsisimula pa lang sila at si Buds at Nat ang final na nag approve na ihire ito.

Porke maganda at sexy, sa isip isip ni Steve. Kung sya ang tatanungin ay hindi nya ito ihihire. Higit na mahalaga sa kanya ang personalidad at values ng isang tao kung sya ang mamimili ng empleyado.

Hindi na sya pari pero ang taas pa rin ng expectations nya particular sa attitude. Kaya hanggang ngayon ay wala silang mahanap na secretary nya. Sabi nga ng mga business parters... hindi ata empleyado hanap mo kundi mongha.

The Priest and IWhere stories live. Discover now