Chapter 14- Missing Her

2.2K 67 1
                                    

STEVEN's POV:

Tatlong linggo na ang nakakaraan pero hindi ko makalimutan ang tagpong yun. Kami ni Roxie, magkahawak ng kamay habang sakay ng isang bangka. Napakalambot ng kamay nya, kung pwede lang sana na mahawakan ko syang muli ng mas matagal. Hindi ko inasahan na darating ang isang araw na mararamdaman ko ang ganito. Hindi ko alam kung in love na ba ko sa kanya o isa lang itong attraction sa opposite sex.

Pero sayang, naduwag ako ng araw na iyon dahil hindi ko napanindigan ang mga bagay na ginawa ko. Ako ang unang nagbitiw ng kamay ng makita kong malapit na kami sa Isla. At ang masama pa, hindi ko na sya kinausap o nilapitan man lang hanggang sa matapos ang araw na iyon. At ngayon heto ako, namimiss ko sya ng sobra. Naririto kami ng family ko sa Canada para sa one month vacation. Golden anniversary rin kasi ng grandparents ko. Two weeks na kami dito at masaya namin dahil kasama ko ang buong pamilya at nakita kong muli ang aking mga kamag anak. Ewan ko, nasanay naman ako na malayo sa mga taong mahal ko simula ng manatili ako sa seminaryo. Pero ngayon ay iba, parang may kulang.

Alam kong mali ang nararamdaman ko dahil ilang buwan na lang ay hahakbangan ko na ang pagkatawag sa akin ng Diyos. Bago ako magsabbatical leave ay buong buo ang desisyon ko na babalik ako upang maging ganap ng isang pari. Ngayon ay may namumuong doubt sa aking puso. Ito ba ang direction ko.. ang maging isang pari?

The Priest and IOn viuen les histories. Descobreix ara