Chapter 4 - Hospital

2.7K 76 0
                                    

Buddy's POV:

Naririto kami ngayon sa hospital. Ang buong team at ang family ni Steven. Napakarami pang kaklase at tagahanga ang gustong pumasok rito. Parang hangin ang balitang naaksidente si Steven, kumalat agad sa napakaraming tao. Nasa ICU sya ngayon at hinihintay namin ang doctor sa resulta. Napakabilis ng pangyayari, kagabi lang ay kausap ko sya na masayang masaya dahil abot kamay na nya ang kanyang pangarap. Pero ngayon ay walang kasiguraduhan kung mabubuhay ba sya. Gusto kong umiyak sa mga oras na ito. Bakit ang kaibigan ko? Napakabata pa nya.

Flashback:

8:30 pm Friday...
"Buds para kong nakalutang sa ulap. One month na lang graduation na. At bukas magdadraft na ako sa PBA. Ganito pala ang pakiramdam na lahat ng gusto mo ay unti unting nangyayari."

"Oo nga bro. Masaya ako para sa iyo. Basta wag mo kong kalimutan pag sikat ka na."

"Buds naman. Ikaw pa! Eh bukod sa magulang ko ikaw lang ang nakakakilala kung sino talaga ko. Di bale bro.. lahat naman ng kayamanan ng angkan nyo ay isinalin sa iyo. I'm sure magiging successful businessman ka balang araw. Ako kasi mukhang di ko talaga sya linya. Pero kahit anong mangyari..pasyal ka pa rin lagi dito"

"Steve naman. Gagraduate lang tayo pero para kang mag gugudbye for good. Aminin mo, may gusto ko sa kin no?"

"Puro ka kalokohan. O sya pano, maaga pa ko bukas at kailangan ko ng magpahinga para kondisyon ang katawan. "

"Oo nga, sige uwi na rin ako. Goodluck sa iyo bukas"

9:00 am Saturday...
"This is the day, huuhh. Bakit kaya ako kinakabahan? Excited? Relax Steve..kaya mo yan"
"Kung kelan naman ako magdadraft saka pa umulan ng malakas. Ang dulas ng daan halos zero visibility pa"

Beepp..beep.

" Ano ba yun at beep ng beep. Teka sandali. Ano bang".. "Huwaaaggggg

BBLLOOGG!!!!!!

End of Flashback.

Nabunggo si Steve ng isang ten-wheller truck at halos pumasok ang kotse nya sa loob nito. Warak ang sasakyan subalit himalang hindi nasira ang mukha nya, ngunit dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo ay nabagok ang ulo nya. Nagkaroon ng Internal hemorrage na naging sanhi ng kanyang pagiging comatose.

Natigil ang aking pag-iisip ng lumabas ang doctor. Kinakabahan kaming lahat sa magiging declaration nito sa kondisyon ni Steven.

"Huwag po kayong mabibigla", baling ng doctor kina tita Elvira at tito Andrew.
"He's clinically dead"

"Ano? Doc hindi pwede! Gawin nyo ang lahat para sa anak ko! Napakabata pa nya!!..Please doc, maawa ka sa kanya!!" hysterical na si tita habang umiiyak

"Elvira, huminahon ka" pag-aalo ni tito Andrew sa asawa. "Doc, ano ang chance na mabuhay ng isang clinically dead"

" Generally 30% lang sir. At kung mabuhay man sya, magiging gulay ito habang buhay. Tatapatin ko na kayo, Sa kalagayan ni Steven ay napakaliit ng chance. Within 1 month kapag hindi nagbago ang sitwasyon nya ay maaari syang tuluyang bawian ng buhay. Panalangin natin syang maigi. Kamay na lang Diyos ang makapagliligtas sa kanya."

Nakita kong kinuyom ni Tito Andrew ang kamao matapos marinig ang doctor. Hindi na rin nya napigil ang luha at dumaloy na ito sa kanyang mga mata. Dama ko ang hinagpis at sakit na nadarama ng pamilya ni Steven. Si ate  Sheena ay wala ring ginawa maghapon kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa sinapit ng kanyang kapatid. Hindi ko na nakayanan ang eksena. Konti na lang ako man ay bibigay na rin. Nagpaalam ako sa kanila upang lumabas sandali. Sa aking paglabas ay tinanong ako ng buong team at ng iba pang tao na naghihintay ng kasagutan patungkol kay Steve. Sinabi ko kung ano ang eksaktong sinabi ng doctor. Nabalot ng lungkot at iyakan ang buong paligid.

Maya-maya ay nakita ko ang grupo ni Grace papasok ng ospital.

"Buddy..anong nangyari"

"Nasa ICU pa si Steven. Hindi pa sya pwedeng dalawin."

Ito lamang ang nasabi ko kina Grace. Pagod na ko at pakiramdam ko ay tila kandila akong nauupos. Hindi ko na kayang ulitin ang kwento sa aksidente at ang resulta na sinabi ng doctor.

Ilang sandali pa ay umalis na ang team namin kasama ang ilang kaklase ni Steve. Naiwan ang pamilya, ako at si Coach at ang grupo nila Grace pero di nagtagal ay dumating ang isa pang babae na humahanga kay Steve, si Roxie kasama ang kanyang kaibigan.
Ngunit kakaiba kay Grace, hindi sya nagtanong at bagkus ay kaagad na umiyak pagkakita sa amin. Matapos magdrama ay nagulat kami na alam nyang lahat ang pangyayari at pati na rin ang mga sinabi ng doctor. Siguro ay nakapagtanong na sa mga nakasalubong na galing dito sa ospital.

"Good afternoon po, ako po si Roxie at ito naman po ang kaibigan ko si Dianne"

Pambihira talaga ang babaeng ito. Hindi na nya hinintay na ipakilala ko sya sa lahat. Sya na ang nagkusa.

"Kaklase ka ni Steve?" Si Ate Sheena na ngtataka kung sino si Roxie sa buhay ng kapatid nya dahil ngayon lamang nila ito nakita.

"Ah eh..kaibigan. Friend po kami ni Steve. Kami po nila Buddy". "Super hectic lang po ang schedule ko kaya di ko sila nakakasama sa mga lakaran kaya baka nagtataka kayo at ngayon nyo lang ako nakita"

Talaga naman oo. At nakagawa agad ng kwento na kasama pa ko. Pero kung nasakyan sya ni coach Nat, si Grace ay hindi. Titig na titig ito sa kanya at kung wala lang ang family ni Steven malamang ay sinabunutan na nito si Roxie.

"Labas muna tayo Roxie", yaya ni Grace

I smell something fishy. Hindi naman sila magkakilala pero mukhang pinanindigan ni Grace ang drama na magkakaibigan kami. At para majustify ni Roxie ang kasinungalingan nya, sumunod sya kay Grace na lumabas.





The Priest and IWhere stories live. Discover now