Chapter 28- The Last Will

2.2K 64 4
                                    

Sorry sa mga fans ni Roxanne at Steven dahil si Arman ang napangasawa ni Roxanne :-(

May mga reader ba tayo na mas boto sa loveteam ni Arman at Roxie? :-)

Sa tingin nyo (though far from over), ano kaya ang magiging ending ng ating story?

By the way this chapter is dedicated to Charlene_marie. Thanks for your continous support. :-)

Warning.. this scene is not suitable for the iyakin... Heavy drama ang peg.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Two weeks na si Arman sa ospital simula ng dinala sya dito ng mawalan ng malay. Concious naman sya at nakakalakad, hindi nga lang gaya dati. He's weak, at malayung malayo sa kilala kong athletic at energetic na asawa. Alam kong pinipilit nya lang tumayo at kumain... patuloy na nakikipaglaban sa sakit.. para sa kin. Tumutulo na pala ang luha ko ng di ko namamalayan. Simula ng malaman ko ang totoong kondisyon nya ay halos araw araw akong umiiyak. Habang lumalakad ang panahon at oras ay pinapanawan din ako ng lakas, bagay na ayaw ko lang ipakita sa kanya. Higit kailanman, ngayon ako dapat na maging matatag.. upang sya rin ay wag mawalan ng pag asa.

"Roxie, may dapat kang malaman tungkol kay Arman", sabi ng biyenan ko ng mga unang araw na naririto kami sa ospital.

Nang mga oras na yun ay nagtatanong na ko sa mga doctor kung bakit tatlong araw na ay hindi pa rin nakakarecover ang asawa ko. Bagamat gising sya nun, hindi sya bumabangon at parang lantang gulay na nanghihina.

"May leukemia ang asawa mo.. wag ka sanang mabibigla anak, pero matagal ng may taning ang buhay nya",

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, I was in a complete shock sa aking narinig.

"Ma.. kelan pa?", hindi pa halos

nagsisink in sa akin ang lahat.

"He was thirteen ng madiagnosed ang sakit nya. Akala namin simpleng vertigo lang dahil madalas syang nahihilo. But even before that, mababa lagi ang hemoglobin nya sa mga check up."

"Pero fifteen years na ang nakakaraan, baka okay naman sya mama. Baka kaya pa itong malunasan", I was still in denial that time.

"After we discovered his illness, we brought him to the US, para dun sya ipagamot. But still incurable, kagaya ng findings dito sa tin. But we tried everything just to save him. And for us, kaya naming mawala ang lahat ng aming yaman just to save our son",

The Priest and IWhere stories live. Discover now