Chapter 11- The Proposal

2.4K 73 0
                                    

Tirik na ang araw ng magising sila Roxie at Dianne. Napasarap sila ng swimming at huntahan kagabi kasama ng buong barkada. Halos madaling araw na rin ata sila nagsitulog.

"Oh my, nine am na RoxieNaku nakakahiya sa kanila. Baka kanina pa nila tayo kinakatok tapos hindi tayo nagigising"

"Oo nga noh. Tignan mo cell mo baka naka ilang missed call at text na si Buddy"

"Ay wait.. Meron nga... Isa lang namang text."

"Anong sabi?"

"Ito oh"

Binasa ni Roxie ang mensahe:

"I love you honey. Good morning. Hindi kita ginising at kinulit ng maaga kasi gusto ko rin na makapagrest ka ng husto. Can't wait to see you, miss you hon.. Mwah :-) "

"Ang aga aga ang cheesy ni Buds. Kaloka ka at pinabasa mo pa talaga sa kin"

"Haha.. Inggit ka no?"

"Ewan ko sa iyo. Halika na nga at magbreakfast na tayo. Baka tayo na lang talaga ang naiwan at lumalangoy na silang lahat"

"Sus.. if I know excited ka lang magkamoment kayo ni Steve"

"Excuse me? Hindi noh"

"Kunyari ka pa. Kahapon pang telenovela ang peg nyong dalawa ha. Hindi namin kayo kinaya. Kung nacapture ko lang ng camera ang mga eksena nyo eh di sana nagtrending kayo ngayon sa FB at Twitter."

The Priest and IWhere stories live. Discover now