Chapter 18- SECRETS

2K 61 3
                                    

Umaga pa lang ay nagpunta na si Steven sa seminaryo. Nagulat naman si Father Benjamin ng makita sya.

"Ang aga mo atang nadalaw. Napressure ba kita sa tawag ko nung isang araw?", nakangiting bati nito

"Actually oo father", biro nya sa pari

"Kidding aside, may gusto po sana kong iconsult. Pero sana, pagkatapos nito wag kayong magalit".

Kinabahan si father, ano kaya ang sasabihin nito na maaari nyang ikagalit. May iniisip sya, pero wag naman sana.

"Father Ben.. bakit ganon? Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kin. Now a days parang... parang hati ang damdamin ko na magpari."

"You see father, okay naman ako dati di ba? Masaya naman ako noon. "

Hindi nagsasalita ang kausap. Hinahayaan lang nito na ibuhos nya lahat ang totoong nararamdaman nya. Inaasses nya ang binata para alam nya ang tamang payo na ibibigay nya rito pagkatapos.

"Akala ko dati, ito na ang gusto kong buhay... ang paglingkuran ang Diyos, at ibigay ang aking buong buhay at lakas sa kanya.. ang paglingkuran ang mga tao at abutin sila.. tulungang lumapit sa Diyos. Father Ben.. nakita mo naman yun di ba? Masaya ko dati sa ginagawa ko. Pero bakit?"

"Steve, ikaw lang ang makakasagot nyan. Imposibleng hindi mo alam ang nangyari at bakit biglang nagbabago ang desisyon mo. Aminin mo nga sa kin... May nakilala ka bang babae sa labas?"

Hindi agad nakasagot ang binata. Napunto ni Father ang damdamin nya. Pero kailangan nya ng umamin at ilabas ang totoo, pagod na syang magtago. Gusto nyang maging totoo sa sarili at kay father.. kahit ngayon lang.

"Matagal na kaming magkakilala father.. college pa lang kami. Lagi kami nung nagkikita.. dahil lagi nya kong sinusundan. Makulit sya, maingay, madaldal.. akala ko wala syang dating sa kin dahil hindi ganon ang tipo kong babae. Hindi ko nga sya pinapansin.. hanggang sa magtapat sya ng damdamin bago ko pumasok dito. Pero binalewala ko lang yun at hindi ko inaasahan na sa bandang huli ay mahuhulog ang loob ko sa kanya. Kung kelan nya natanggap na magkaibigan na lang kami.. kung kelan malapit na kong magpari"

The Priest and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon