Chapter 6

18 7 0
                                    


Wala ako nararamdaman sa mga oras na to kundi galit! Hindi ko maintindihan kung bakit nya kaylangan gawin yun! Ano klase demonyo ang bumulong sa kanya para maisip nya yun.

May sa demonyo nga pala talaga ang tao yun.

Wala ni isa sa mga kaibigan ko nakapigil sakin na puntahan ko si Kian sa prisinto si Fredie at Shiela lang kasama ko pumunta dun yung iba naiwan sa ospital at yung iba bumalik na sa school.

" Mayo. " gulat na sambit ni Kian sa pangalan ko.

Bagay ka pala dyan dapat pala nun ko pa naisipan ilagay ka dyan.

" Bakit mo ginawa yun? " seryoso tanong ko sa kanya.

" Ang alin? " parang nag tataka naman tanong nya.

" Kaylangan ko ba ulitin ang tanong ko sayo para makuha mo ibig ko sabihin? " seryoso tanong ko sa kanya.

" Wala ako ginawa. " seryoso sabi nya.

" Gago kaba?!!! " sigaw ko sa kanya.

Talaga inuubos ng tao to ang pasensya ko.

" Oo!! " sigaw nya saka sya ngumisi natatawanan naman na mga tropa nya kasama nya sa selda.

" Binastos nya ko Mayo! Alam mo naman ayoko sa lahat ng binabastos ako diba? Kilala mo ko magalit. " nakangisi sabi nya habang hinihimas ang rehas na naka pagitan samin.

" Sa paano paraan ka naman nya binastos? " nangaasar na tanong ko.

" Sa paraan hindi katangap tangap sa pananaw ko nasa oras ako nag kaligayahan nun ng bigla sya sumangit. " kalmado sabi nya pero halata talaga sa mga mata nya ang galit nya.

" Hindi ka padin nag babago wala ka paring kwenta. " seryoso sabi ko.

" Pero yung walang kwenta tao to minahal mo ng husto. " nakangisi sabi nya.

" Oo at pinagsisisihan ko yun. " diretyo sabi ko sa kanya.

" Pati ba yung masasarap na sandali pinagsisisihan mo din? " sa pag kakataon to di ko napigilan ang sarili ko hilahin ang tshirt na suot nya.

" Pinagsisisihan ko lahat! Lahat lahat!!! At matagal kana dapat nandyan alam mo yan!  " nang gigigil na sabi ko sa kanya.

" Pero bakit nga ba hindi mo ko pinakulong nun?......dahil......mahal na mahal mo ko diba? " nangaasar na sabi nya binitawan ko muna sya saka ako tumingin ng diretyo sa kanya.

" Dahil naawa ako sayo.....binigay ko sayo yung awa na hindi mo binigay sakin nung mga oras na inaabuso mo ko. Hinding hindi ko makakalimutan yun dadalin ko yun hangang sa pagkamatay ko......kahit kelan hindi kita mapapatawad. " galit na sabi ko sa kanya saka ko sya tinalikuran.

Pag ka galing namin sa presinto dumeretyo kami sa ospital.

" Mayo balik na kami sa School ha? " sabi ni Shiela tinanguan ko lang sya.

" Okay ka lang ba? " nagaalala tanong nya padin.

" Oo. " tipid na sagot ko niyakap nya naman ako.

" Andito lang kami lagi para sayo. " parang naiiyak na sabi nya habang nakayakap padin sakin.

" Hindi mo kasalanan yung nangyare kaya wag mo sisihin ang sarili mo. " nakangiti sabi ni Fredie.

" Alis na kami txt mo ko! " paalam ni shiela.

Ilang minuto na ko nakatayo sa harap pinto ng kwarto hindi padin ako pumapasok nahihiya ako ng husto sa pamilya.

" Bakit di ka pumasok sa loob? " agad ako napaharap sa likod.

Why Can't It Be?Where stories live. Discover now