Chapter 4

19 8 0
                                    


Pakiramdam ko masyado mahaba naging araw ko ngayun nakakapagod masyado. Paguwi ko sa bahay gaya nga ng sabi ni mama wala sya dun kaya pagdating ko nag saing ako sa ako nagluto ng pangat pangatlo init. Pag wala si mama ako lahat ang gumagawa ng gawain bahay kahit pagod ako dahil pag hindi ko to ginawa bubungangaan nanaman nya ko. San nag pupunta si mama? Sa mga amiga nya. Ano ginagawa dun? Hindi ko alam dahil di naman ako nag abala pa mag tanong at di rin nya sinasabi. Si papa naman sa Korea factory worker sya dun every 3 years ang uwi nya kaya ayon bilang na bilang lang kung ilang beses ko sya nakasama sa buong buhay ko lalo na dalawa bunso ko kapatid na si Hero 14 yrs old at si Mika 11 yrs old.

"Hero ilock mo na pinto tyak mamaya pa madaling araw ang uwi ni mama o baka bukas pa." utos ko kay Hero bago ako pumasok ng kwarto.

"Ikaw na Mika." utos nya naman kay Mika dahil busy sya sa kaka dota.

"Bat ako? Lagi nalang ako? Ako nag hugas ng plato tas sa paglalock ng pinto ako padin?" reklamo naman ni Mika.

"So dapat ako na? Utos ko sunod ko ganun?!" masungit na sabi ko sa kanila dalawa halata nagpapakiramdaman sila dalawa.

"Ako na nga napaka tamad mo!" sa huli si Mika din ang sumuko dahil wala naman sya laban kay Hero lalo na sakin ganun ata talaga pag bunso taga salo ng lahat ng utos.

At dumiretyo na ko sa kwarto ko para humanap ng katahimikan dahil kahit tatlo lang kami sa bahay ngayun pakiramdam ko ang ingay ingay padin.

Facebook time!!

Kagaya ng nakagawian ko ni search ko agad ang pangalan nya na agad din naman lumitaw dahil madami kami mutual friends buti nalang naka public ang account nya kaya kahit hindi kami friend na iistalk ko padin sya. Wala naman nag bago ganun padin ang ityura nya base sa bagong picture na nipost nya pero isang picture ang nagpatigil ng pag scroll down ko sa wall nya. Picture nila ng bago girlfriend nya na may caption na "Ikaw lang ang love ko babe." with tadtad ng sweet na emoji.

Babe nanaman? Di ba sya nag sasawa sa tawagan na babe? Tas ikaw lang? Hahahahahaha ganyan ganyan din yung post mo nun ah anyare?

Napapangiwi ako habang nag scroll down ako dahil puro tungkol sa loyalty at honesty ang post nya parang gusto ko masuka.

Habang sinusumpa ko mga post nya may bigla nag chat sakin hindi ko sana papansin ng bigla nag chat ulit sya.

Jepoy Briguela
Hi?
Mayo?
Pwede tumawag?
Tatawag na ko ha?

Rereplayan ko na sana sya ng bigla mag ring ang phone ko unknown number pero alam ko sya yun. Bigla ako na excite na sagutin pero pinigilan ko sarili ko sagutin agad kasi baka isipin nya gustong gusto ko kausap sya kaya hinintay ko kusa matapos ang pag ring at pag tumawag sya ulit tas after ng tatlo ring sasagutin ko na mas nakakaganda kasi ganun. Pero 5 mins na mula nung natapos yung missed call nya di parin sya tumatawag.

Tsk mahina to.

Mag ccr sana ako ng bigla nag ring ang phone ko at sa sobrang gulat ko isang ring palang nasagot ko na agad.

"Hello? Helloooo? Hellooooooo?"

Di ako makapag salita dahil masyado ako humahanga sa gwapo ng boses nya ang sarap pakingan para bang si Enriquel Gil ang nag hehello.

" Mayo? " bat ang ganda pakingan pag sya ang bumabangit sa pangalan ko.

" Hala wala siguro signal tatawag nalang ako ulit. " bulong ni Jes sa kabilang linya.

"Hey!!!!" natataranta sabi ko.

"Oy! Hahaha akala ko di mo ko naririnig bat di ka sumasagot?" natatawa tanong nya.

Why Can't It Be?Where stories live. Discover now