Chapter 5

18 8 2
                                    



Simula nung pang yayare sa Play Zone naging mas close kami Jes pati na mga kaibigan nya naging close ko na din araw araw ko sya nakakasama kahit na sa dalawang subject ko lang naman sya classmate na twice a week lang ang sched.

Nasa tapat kami ng room 201 para sa last subject namin ngayun araw.

" Grabe ang tagal ni mam baka wala na tayo klase sa kanya? " tanong ni Shiela.

" Tas pag umalis agad tayo yari nanaman. " nakanguso sabi ni Jovi habang nilalaro nya ang kamay ng boyfriend nya si Rome.

Kasama din namin nag hihintay yung mga tropa ni Jes na namakiki sit in. Pero kahit kasama ko sila di ko alam kung ano pinaguusapan nila dahil sobrang lutang na lutang ako ngayun 2 months nalang kasi bakasyon na kaya nag simula na mag bigay ng thesis at ngayun pala pinaghahandaan na namin yung defense masakit sa ulo lalo na may mga kaylangan pa ko habulin na grades.

" Si Mayo din maganda ngumiti. " bigla bumalik sa realidad ang utak dahil sa sinabi na yun ni Jes kaya napatingin ako sa kanila at nakatingin nadin sila sakin.

" Ha? " takang tanong ko.

" Ang ganda mo kako mag smile. " nakangiti sabi nya sakin di naman na ko nakasagot hindi naman sa kinikilig ako pero kinikilig nga ako konti lang.

" Ehem parang iba na to ah. " sabi ni Fredie sabay akbay kay Jes.

" Loko mo! " sigaw sa kanya ni Jes sabay tabig dito saka sila nag tawanan at nakitawa nalang din ako.

Makilapas ang ilang segundo dumating na prof namin classmate ko din si Jes sa subject na to. Lagi ako pumepwesto sa gitna dahil bukod sa mas malamig dito ay balance lang. Nag unahan kami pumasok sa room nakahanap agad ako ng maganda pwesto sa gitna malapit sa pinto nag laan ako ng dalawa upuan sa pagitan ko naupo si Jovi sa kaliwa katabi nya si Rome at si Shiela dapat sa kanan pero nilagpasan nya upuan at tumabi sya kay Rome mag tatanong na sana ako ng may bigla nag salita sa may gilid ko.

" Pwede ba ko dito maupo? " nakangiti tanong ni Jes tinanguan ko nalang sya.

Tahimik kami lahat habang nakikinig sa prof namin paminsan minsan nahuhuli ko si Jes na nakatingin sakin pero hindi ko yun pinapansin.

After 1hr natapos na klase namin dumeretyo naman agad ako sa CR.

" Be alam mo may napapansin ako. " sabi ni Jovi habang nasa loob ng cubicle.

" Ano nanaman? " irita kunwari sabi ni Shiela habang hinahanap ang lipstick nya sa bag.

" Feeling ko may gusto sayo si Jes. " sabay labas nya sa cubicle.

" Sakin? " gulat na tanong ni Shiela.

" Gaga hindi sayo sa kanya. " sabay turo sakin ni Jovi.

" Pano nyo naman nasabi? " seryoso tanong ko sa kanila.

" Masyado na sya nagiging close sayo saka lagi ka nya hinihintay di mo ba napapansin? Pag maaga natapos ang klase nya hinihintay ka parin nya. " napapaisip naman ako sa mga sinasabi nila.

Posible ba yun?

" True! Nakatxt ko si Boni kagabi at ang sabi nya araw araw daw kinukulit sila ni Jes na samahan sya mag hintay hangang matapos ang klase natin kaya imbes na 4pm palang uuwi na sila 7pm na sila nakakauwi. " mahaba paliwanag ni Shiela.

" Nag kakatxt kayo ni Boni? " nagtataka tanong ni Jovi at tinawanan lang namin sya.

" Bakit?!! " naiinis na tanong nya samin.

" Puro kasi si Rome ang iniintindi mo kaya di kana updated! " sabi ko sa kanya.

" Kayo na ni Boni? " gulat na tanong nya kay Shiela.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon