Chapter 2

37 8 4
                                    


6am palang gising na ko dahil 8am una ko klase ngayun hindi ako pwede ma late dahil ang dami ko pa kaylangan habulin 3 months nalang kasi finals na after nun dalawang sem nalang graduate na ko sawakas!

Mahirap maging college student, kung ako papapiliin mas gusto ko maging high school kasi parang ang dali lang buhay dun, pero sa kabila banda mahal ko ang college ang dami ko natutunan sa labas at loob ng eskwelahan at dito ako nakakilala ng mga tao maaasahan at makakaramay ko sa lahat ng bagay.

Pag dating ko sa school konti palang ang students na nandun, nag hanap muna ako ng matatambayan dahil sarado pa ang library. Hangang sa nakarating ako ng roof top ang tahimik dito at saka mahangin. Saglit palang ako nandun nakarinig na ko ng mga kalalakihan na nag tatawanan tingin ko papunta din sila kung nasan ako ngayun.

"Oo tol grabe sobra tawa ko dun!" sabi nung isa mataba lalake kalbo.
Halatang halata sa mga muka nila na tuwang tuwa sila sa pinaguusapan nila.

"Tangna pre best day of my life yun!!" sabi naman nung maitim na medyo matangkad na nakahawak pa sa tyan nya habang tumatawa.

Pinagmamasdan ko lang sila hangang sa mapansin ako nung maputi na makapal ang kilay.

"Oy wag kayo maingay may tao." saway nya sa mga kasama nya.

"Hi ate! Diba classmate kita sa arts?" bati sakin nung matangkad na payat saglit pa muna ako nag isip saka ko inalala muka nya once a week lang kasi ang klase namin sa arts tas mukang ireg pa sya kaya di ko sya makilala.

"Si Harrel to yung nasa unahan mo lagi." paalala nya saka ko inisip mabuti.

"Ahh oo pasensya na ha di kasi ako matandain." well totoo naman yun madali ako makalimot ng pangalan ng isang tao o muka lalo na pag madalang ko lang talaga makita.

"Okay lang madalang lang din kasi tayo mag kasalubong. Ano ulit pangalan mo?" tanong nya.

"Mayo Santiago." pakilala ko.

"Ahh ikaw pala yung Mayo, Harrel Cabanban nga pala." sabay abot nya ng kamay.
"Ito si Fredie (mataba kalbo) si Boni (maitim na matangkad) Si Ian ( Yung makapal ang kilay) may iba pa kami kasama paakyat palang siguro." nakangiti sabi nya.

Makakalimutan ko padin yung pangalan nila baliw.

Nginitian ko muna sila saka ako nag paalam na aalis na. Habang pababa ako ng hagdan may mga naririnig ako boses ng mga lalake papunta din sa roof top.

Sila siguro iba tropa nung mga nasa taas, samahan ng mga ireg? Hmmmm

"Jes bilisan mo naman."

"Teka naman nakakapagod kaya umakyat dito no!"

Ewan ko pero bigla ako natawa, nakayuko ako habang naglalakad hangang sa malagpasan ko sila.
Pag dating ko sa tapat ng room 305 nasa labas na iba ko classmate.

"San ka galing? akala ko late ka nanaman e!" tanong sakin ni Shiela.

"Sa roof top tumanga lang ako saglit."

"Oy Sky nakapag review kana ba? Tabi tayo mamaya ha?" pakiusap sakin ni Jovi na nag papa cute pa.

"Review?" nag tatakang tanong ko.

"Oo may quiz kaya tayo ngayun no." 

"Hala nawala sa isip ko! Peram nga muna nyan Peram ako kanina kapa naman nag babasa dyan e." pilit ko inagaw kay Shiela yung reviewer nya.

"O ayan na!! Gigil na gigil?" naiinis kunwari sabi nya.

5 mins lang ako nag review dahil dumating na prof namin kahit papano naman may pumasok sa utak ko. Madali lang ang quiz 20 items lang tinignan lang ng prof namin kung may naalala ba kami sa huli tinuro nya. After 2hrs natapos na klase nya dumeretyo kami sa may karenderya, mahal kasi ang pagkain sa canteen 60 pesos isang order may sinasama siguro sila ginto dun sa pagkain sa karederya 30 pesos lang busog kana.

"Ano sunod na klase?" tanong ko Kay Shiela habang kumakain, hangang ngayun kasi di ko padin kabisado ang sched namin yung oras lang ang alam ko pero yung subject hindi ganun ako kalupet!

"Communication Arts." tipid na sagot nya.

"Hala! Lagot ka kay Nemo!" pang babanta sakin ni Jovi.

Natawa naman ako na bahagyan bigla ko kasi naalala kung bakit nemo ang tawag namin sa kanya, ako talaga ang una nag bansag sa kanya nun malaki kasi ang mata nya tas malaki din ang eyebags nya mahilig din sya sa orange na damit medyo chubby at maliit. Kaya ayon lahat kami Nemo na ang tawag sa kanya.

Pag tapos namin kumain tumambay muna kami sa library. Halos dalawa oras kami nag palamig dun bago namin napagpasyahan na pumunta na sa room.

"Goodafternoon cla- oh! Ms. Santiago himala hindi ka ata late ngayun?" mapang asar na sita sakin ni Nemo.

"Nag babawi po mam." nakangiti sagot ko nalang.

"Talaga? Madami dami kang hahabulin ngayun. Pag di mo nagawan ng paraan na makakuha kahit tres mag kikita ulit tayo next sem."

Hindi mangyayare yun mam mag kamatayan man.

Tumango nalang ako sa kanya biglang sagot.
Hindi naman mahirap ang subject na to kasi yung mga tinuro nung high school yun din naman ang tinuturo nya ngayun kaya kung nakinig ka talaga nung high school magiging madali lang para sayo ipasa to.

"Excuse me, Mam helen?" bungad ng isang prof saka naman lumabas si mam ng room. Kagaya ng ibang students pag labas nya automatic na bigla umingay sa room.


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"


Tangina tawa yan.

Pagkarinig ko nung tawang parang hinihika dahan dahan ako lumingon sa likod, sakto pag lingon ko naka tingin na din sya sakin. Corny man pakingan pero bigla nag slow motion ang palikid ko bigla tumahimik ang paligid tangi sya lang ang nakikita ko at tangi tibok lang ng puso ang naririnig ko.

Sino ba sya?

"Hey!"

Bigla bumalik sa normal ang paligid at pakiramdam ko bigla ako nagising sa pag kakahimbing.

"Pasensya na napalakas ang tawa ko ha?" nakangiti paumanhin nya pero nakatingin lang ako sa kanya hindi ko alam kung bat wala ako masabi.

"Okay kalang?" nag aalala tanong nya.

Ano bang nangyayare Mayo?!!!

"Oo." natatawa sabi ko.

"Buti naman." nakangiti sagot nya.

Nginitian ko nalang din sya saka na ko humarap ulit sa harap pero bigla nya ko kinalabit agad naman ako lumingon sa kanya.

"Jessi Dela Peña, Jes nalang for short." nakangiti sabi nya saka nya nilahad ang kamay nya.

"Mayo Santiagao walang short." nakangiti tugon ko saka ko inabot ang kamay nya.



Kakaiba...

------

Ano guys? Okay lang ba? HAHAHAHAHAHAHAHA

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon