Chapter 1

56 7 0
                                    


Ang tahimik, sobrang tahimik unti unti nanaman ako binabalot ng lungkot. Simula palang ng araw pero yung pagod na nararamdaman ko pang buong taon na.

Sa telepono may tumatawag, ang telepono sagutin natin, sagutin natin ang telepono, sa telepono may tuma-

"Oh?" malamya ko sagot sa kung sino mang hudas ang tumatawag.

"Ano oh?! Anong oras kaba papasok ha? Tapos na 1st subject lagot ka nanaman kay Nemo nyan!" 

Nilayo ko ng bahagya ang cellphone sa tenga ko dahil masakit sa tenga ang matinis at malakas na boses ng bestfriend ko si Shiela.

"On the way na ko." saka ko inioff ang phone ko.

Araw araw naman late ako ano bago dun? Pero kahit ganun hindi naman nakakaapekto sa grades ko yun dahil bumabawi ako. 3rd yr college na ko sa kurso Information technology (major in ROS :D) medyo malayo ang bahay ko mula sa school na pinapasukan ko aabot ng 50mins to 1hr ang byahe at pag minalas kapa aabot ng isa't kalahating oras dahil sa habang buhay na traffic ewan ko ba kasi kung ano trip ni mayor kung bakit buo naman yung kalsada gigibain tas gagawin tas gigibain ulit nakakagago lang.

Pag tapos ko mag muni muni dahan dahan ako bumagon sa pag kakahiga pinagmasdan ko pa saglit ang tahimik at madilim ko kwarto bago ako tuluyan bumangon para maligo.
Pag labas ko ng kwarto himala tahimik, walang katao tao. Di na ko nag abala pa alamin kung nasan lupalop ng mundo ang pamilya ko agad nalang ako umalis ng bahay.

Pag dating ko sa school dumeretyo ako sa library hindi para mag basa kundi para mag palamig alam ko din nandun yung mga classmate ko.

"Library ID?" bungad sakin ng mataba at masungit na librarian.

"Ito po mam." pag ka abot ko nun inilagay ko na din yung bag ko sa maliit na locker na walang lock.

"Oh bat pumasok kapa? Maaga pa!" pang aasar ni Patrick at nag tawanan sila lahat.

"Gago napasarap kasi tulog ko." ang totoo nya di ako nakakatulog ng maayos lagi kasi ako binabangungot.

"Pag pasok ni miss ng room kanina ikaw agad ang hinahanap." Natatawa sabi ni JR.
"Namimiss na nya ba ko?" pag bibiro ko.

"Oo sa sobrang pag ka miss nya sayo gusto ka nga nya ibagsak para next sem sya ulit ang prof mo." nang aasar din sabi ni Francine. 

"Malabo ako bumagsak dun dahil lang sa late no! Naipapasa ko naman lahat ng quiz at exam." pag mamayabang ko.

Saglit pa kami nag kwentuhan bago kami pumasok sa room. Tahimik kami nakinig lahat sa tinuturo ng prof bukod kasi sa major namin ang subject nya talaga naman nakakatakot din sya. Pati kaluluwa mo maiisipan mo iaalay sa kanya para lang bigyan ka nya kahit tres kaya hangat maaari pilitin mo ituon sa kanya ang buong atensyon mo dahil malinga ka lang ng konti sigurado isang buong lesson nya na ang di mo maiintindihan ganun sya kalupet!

"Excuse po sir pwede po ba maki sit in?"
Napatingin ako sa pinto.

"Okay." saka sya naupo sa pinaka likod.

"Sino yun?" tanong ko kay Shiela

"Si Jes yun classmate natin sa communication arts." bulong ni Shiela.

"Oh? Ngayun ko lang sya nakita." bulong ko habang nasa prof namin ang paningin ko.

"Try mo kasi pumasok ng maaga para nakikita mo." masungit na sagot ni Shiela.

"Mayo Santiago!" biglang sigaw ng damuho naming prof dahil sa pag ka gulat bigla ako napatayo saka sila tumawa lahat.

Sige tawa pa.

"Sana kinadaldal mo yun din ang kinagaling mo sa klase ko." masungit na sumbat ng prof namin.

Binulong ko na nga lang nadinig pa astig.

"Sorry sir." pag papakumbaba ko nalang dahil baka kung ano pa masabi ko maging dahilan pa yon para bumagsak ako hindi pwede!

Maya maya pa natapos na major class ko. Isang subject nalang uwian nanaman. Kung tatanungin nyo kung masipag ako studyante masasabi ko andun ako sa part na "Okay lang" hindi ako ganun kasipag pero hindi din naman ako tamad at naipapasa ko naman lahat ng subject ko kahit medyo may pag ka alanganin. Di rin naman ako pinepressure ng parents ko para mag karon ng mataas na grades na tingin ko dapat lang dahil sila naman ang may gusto ng kurso kinuha ko. Gusto ko talaga maging psychology pakiramdam ko dun ako magaling at parang kaylangan ko din talaga yun.

Pag tapos ng last subject namin tumambay lang kami saglit para mag yosi saka na kami sabay sabay umuwi halos pareparehas lang kasi kami ng sasakyan pauwi.
Pag dating ko ng bahay nadatnan ko si mama na nanunuod ng tv.

"Andito na ko." 

Mag mamano na sana ako ng bigla nya ko sampalin at talaga kinabigla ko yun.

Ganda ng salubong

"Ano to?!!!" sigaw ni mama habang hawak ang pregnancy test. 

"PT di kasi ako dinatnan ng 2 months kaya nag pt na ko buti nalang negative." kaswal ko sabi saka ako dumeretyo ng kwarto pero patuloy padin si mama sa pag mimisa.

"Nag iisip kaba? Pano kung nag positive to ha? Ano ibubuhay mo dun? Kaya kaba buhayin nung hayop na lalake na yun ha?!" nang gigigil na sigaw ni mama.

Ako mabubuntis?? Patawa kaba??

"Wala kwenta ang matres ko ma nakalimutan mo naba? kaya imposible din yang sinasabi baka mabuntis ako." 

"ayy oo nga pala no! Pwes buti na nga lang baog ka!! Dahil kawawa magiging anak mo kung sakali!! May pa PT PT kapa ilusyunada ka." Saka nya ko tinalikuran.

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo pero pinilit ko pinakalma ang sarili ko kasi ayoko bastusin sya.

- Flashback -

"ano doc buntis ba anak ko?" nag aalala tanong ni mama sa OB.

Ako naman tahimik lang na nakikinig sa kanila.

"hindi po mam." saka ipinakita ng doctor ang ultrasound ko.

"abnormal po matres ng anak nyo mam sorry to say pero 10% lang ang chance na mabuntis sya, karaniwan kasi sa may ganto sakit ay di po talaga nag kakaanak sa madali salita po nagiging baog po sila." paliwanag ng OB. 

Mag kahalong tuwa at lungkot ang naramadaman ko ng mga oras na yun. Tuwa dahil hindi ako nabuntis ng demonyo ko ex lungkot kasi hindi na ko mag kakaanak, sobrang lungkot.

- end of flashback -



Bat nga ba ako nag pt? Siguro kasi umaasa ako mag positive yun alam ko wala pa ko sa tama edad para mag ka anak dahil 19 palang ako pero kung sakali man bigyan ako ng diyos ng isang anghel ako na siguro ang magiging pinaka masaya tao sa buong mundo.

------

Please mag comment po kayo kung may suggestions po kayo para mas mapaganda story o kung ano po masasabi nyo. Thanky!

Why Can't It Be?Where stories live. Discover now