"Kasi si Luhan," Halatang kinikilig ang isang 'to. May something ba sa kanila ni Luhan? Napangiti naman ako sa iniisip ko, bagay kasi sila.

"Oh, napaano si Luhan at kilig na kilig ka dyan?" Biro ko sa kanya kaya namula siya sabay hampas sa akin. Tumawa na lang ako. "Eh kasi eh, ano anong pinagsasabi. Tsaka hindi ako kinikilig ah! Natatawa lang talaga ako kasi, pareho kayo ni Anthony na mukhang walang balak bumangon ng maaga. Kakagising nga lang daw ni Anthony nung mga alas onse na ng umaga. At kung hindi pa daw nila dinaganan si Anthony ay hindi ito magigising. Hahaha!" tawa ng tawa si Lisa habang nagtataka naman ako kung anong nakakatawa. Itong babaeng 'to. Iba talaga nagagawa ng in love hay nako.

"Aray ko naman babae!" Sigaw ko kay keyt na inaayos yung buhok ko. Hinila ba naman napaka.

"Ay sarreh bakla, ang likot mo kasi. Iling iling ka pa dyan." Sabi niya at inayos na ulit yung buhok ko.

"Keyt! Ayusan mo din ako mamaya ha?" tuwang tuwa na sabi ni Lisa, aba magpapaayo pa?

"Oh sure Lisa!"

-

Alas kwatro na ako natapos ayusan, andito na din sila Maxine at nakaayos na yung mga gamit na gagamitin ko para mamaya. Alas sais ang umpisa ng contest at aalis na kami mamayang alas singko, susunduin daw kami nung boys para sabay sabay na kaming makarating sa gaganapan noong contest, nagpaayos din sila Maxine kay Keyt at buti na lang light make up lang kasi malelate talaga kami kung sakali.

"We're really a goddess girls! Ang gaganda natin! I mean matagal na tayong maganda pero mas gumanda tayo ngayon!" Irit nitong si Stephanie, mhangin din pala 'to gaya ng kuya niya. Pero hindi ko naman ipagkakaila. Totoo naman yung sinasabi niya eh. Wehehehe.

"Tara na girls! Nadinig ko na yung sasakyan nila na huminto sa baba!" Excited na sabi ni Lisa at lumabas na ng kwarto, sumunod na din kami, gusto ko ding maaga makarating doon para hindi agaw pansin ang pagdating namin mamaya. And para kakaunti pa lang din ang tao. Nakasuot ng simpleng dress yung tatlo, naka high heels si Maxine habang naka flat shoes naman yung dalawa. Samantalang suot ko naman yung shorts and shirts na ibinigay samin nung nakaraan, ito yung magiging suot namin para sa rampa at introduction. Pagkalabas ko sigaw agad ni Maxine ang sumalubong sa akin, sasabog talaga ang tenga ko dito eh.

"Hoy babae ang kupad kupad mo talaga! Bilisan mo nga!!" Sigaw niya, "At ikaw naman lalaki aba tulungan mo naman si Venice na makarating ditto ng mabilis ng may silbi ka." Napailing na lang si Anthony tsaka ako nilapitan.

"You two are really best friends." Agad naman akong napatingin sa kanya, anong ibig niyang sabihin?

"Wha---"

"Shut up, and just walk." Naglakad na lang ako ng padabog ayoko ding mabad mood baka mamaya eh hanggang sa contest nakasimangot ako. Sumakay na ako sa Van kung nasaan sila Lisa. Si Luhan ang magdadrive, katabi niya si Lisa while nasa pangalawang pwesto kami ni Maxine at Stephanie habang nasa likod naman si Anthony at Stephan.

May kanya kanyang business kami sa loob ng Van, si Stephanie kausap sa phone si Jandi, ewan ko ba doon at ayaw talaga kaming kasama. Habang si Luhan at Lisa naman may topic din na pinag-uusapan, tapos yung dalawa sa likod eh tulog ata pati itong si Maxine nakapikit din. Napagod kakasalita. Kaingay kasi.

Nakarating kami saktong alas sais sa venue, at andami na agad tao. Akala ko naman eh maaga pa 'to. Alam ko namang alas sais ang sabi na umpisa ng contest pero diba, ang mga Pilipino pag sinabing alas sais it really mean na alas syete.

Dumiretso naman kami sa mall, We don't have a choice kung hindi ang dumaan sa mismong entrance nitong mall. Pinagtitinginan nanaman kami, pero mas madaming nakatngin syempre sa mga lalaking kasama namin. Pagkadating namin doon sa gaganapan ng contest ay dumiretso kami agad sa back stage para magretouch ng kaunti.

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now