11-Confrontation

144 4 4
                                    

3RD PERSON'S POV

''BAKIT PA KAYO NANDITO!? UMALIS NA KAYO!'' Pagtataboy ni Kai sa kanila. Nasa hospital silang lahat ngayon. Nasa room sila ni Chanyeol na kanina pa tulog, wala si Sehun, Tao at Lay sa kwarto dahil bumili sila ng pagkain at umuwi na din para kuhanan ng damit si Chanyeol. Okay lang naman daw si Chanyeol, kailangan lang daw nya ng pahinga. 

''Kai. Stop that.'' Sabi ni Kris sa kanya. Pero tinapunan lang sya ng tingin ni Kai. 

''Di pa rin kayo aalis? Nakita nyo ba yung nangyari? Ha!? Alam nyo, simula nung dumating kayo sa bahay, hindi na naging maayos buhay namin eh. Lalo na ako! Ikaw Szarene,'' Sabi nya at tinuro pa si Szarene na paiyak na, ''Akala mo ba hindi ko alam na sinusundan mo ko lagi? Kung nasan ako, nandun ka din. Di ka ba napapagod kakasunod sakin? Ako kase, iritang irita na sayo eh! Nakakairita ka!'' 

Hahawakan na sana ni Chen sa balikat si Kai para pahintuin sa mga sinasabi nya pero pinigilan sya ni Luhan. Tuluyan nang naiyak si Szarene, di nya akalain na ganito pala ang tingin sa kanya ni Kai, na nakakairita sya. 

''D-Di ko naman a-alam na ganun p-pala ako .. sana sinabi mo na l-lang para huminto na a-ako, sorry K-Kai. S-Sorry..'' Sabi nya at lumabas ng room ni Chanyeol dito sa hospital. Sinundan naman sya ni Hana sa labas, hindi din kase kaya ni Hana yung mga sinasabi ni Kai ngayon sa kanila, masyadong masakit. 

''Pwede ba Kai tumigil ka na!? Nakakasaki--,'' Agad namang nagsalita si Kai kaya naputol yung sinasabi ni Suho. 

''Bakit ako titigil hyung? Wag ka na ngang magpanggap na natutuwa ka sa kanila! Di ba sabi mo samin, naiinis ka kay Erril? Masyado syang childish! Sya din yung dahilan kung bakit ka napagalitan dati diba? Nabunggo nya kase yung sasakyan mo! Pinagbibigyan mo lang naman sya kase yun ang gusto ng SM diba? Sinusunod lang natin ang SM.'' Napayuko na lang si Suho. Di nya kayang tignan si Erril, di nya kayang sabihin na yun ang totoo. Tahimik na umiyak si Erril habang nakasandal ang ulo sa likod ni Julien. Masyadong masakit eh. 

''Kai, masyado nang matabas yang dila mo. Tigilan mo na yan kundi ..'' Nilapitan naman ni Kai si Baek. Ngayon lang sila naglabas ng hinanakit sa mga babaeng to. Mga babaeng walang ginawa kundi hangaan sila. Ohh, it hurts. 

365 days with ExoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon