1-Exo

376 8 2
                                    

JULIEN’S POV

‘’OMG! JULIE JULIE JULIE! IM GONNA DIE!’’ Erril said habang tumatakbo papunta sakin. Sinarado ko yung book na binabasa ko at tinignan sya habang tumatakbo. Hulaan ko, it’s about Exo again.

‘’What?’’ Tanong ko tapos umupo na sya sa katapat kong upuan. May dala syang plastic bag. I sighed. Gagawa kami ng banner.

‘’Im so excited na sa concert! Grabe, bibili na kami ng tickets ni Kylie mamaya. Bibilhan kita ah? Come with us!’’ Kung pwede lang manampal ng bestfriend sa harap ng mga staffs and costumers ng Chatime, sinampal ko na to. What the hell? Me? Going to a GAY’s concert? Oh god! Hindi yun mangyayari.

‘’Bakit kailangan nandun ako? Hindi ako pumupunta sa mga lugar ng mga bading at obsessed fans.’’ I rolled my eyes. Kinuha ko yung milk tea ko at uminom. I need to calm down. Nagpapa-cute na naman sakin si Erril, ginagamit na naman nya yung charms nya.

‘’I know. Pero paano na lang kung may mangyaring masama samin ni Kylie tomorrow? What if masagasaan yung kotse namin ng isang malaking truck and you are not there? What if hindi kami papasukin sa loob ng Arena kase maliit kami at mukha kaming bata? What if--,’’ I cut her out.

‘’Yeah. Those what ifs is very unreasonable. You can call me.’' Mas lalo syang nanlumo at tumingin sa baba. I sighed. Eto na naman, umiiral na naman ang good side ko.

‘’Okay I’ll come but—‘’ She hugged me. Napa-tss na lang ako. Ang drama. Pumayag lang naman ako kase ayoko syang malungkot. Pero kasi, anong gagawin ko dun? Makikisigaw at makikigulo sa mga fans ng mga bakla? Oh. I think Im gonna puke.

‘’Yeyyy!! Thank you thank you thank you!’’ Sabi nya tapos pumalakpak pa. Tinignan sya ng mga costumers ng Chatime, nakakahiya.

‘’Hey guys! Im here!’’ Napatingin ako sa kakadating lang na si Kylie. May dala din syang plastic bag at nakipag-beso samin. Tumabi sya kay Erril at naglabas na sila ng mga gamit nila para sa banner. Oh god, puro pictures ng Exo.

‘’Bakit puro pictures? Kadiri.’’ Sabi ko at tinawanan lang ako nung dalawa. Maybe I’m rude but I’m not a fangirl of anyone, kaya hindi ko alam kung anong nararamdaman nila.

365 days with ExoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon