24-I'll court you

124 4 0
                                    

KYLIE'S POV

Nagsuot muna ko ng shades bago bumaba sa taxi. Nandito ako ngayon sa SM North. Bibilhan ko ng mga damit sila Mama, uuwi kase ako ngayon don at hindi sa bahay nila Hana. Overnight lang naman. Tsaka pinayagan naman ako ni Suho eh. Actually, dapat hahatid ako ni Suho oppa dito kaso sabi ko magta-taxi na lang ako tsaka delikado kaya. 

Dumiretso ako sa isang shop dito. Tumingin tingin ako ng mga damit na bagay kay Mama. Mga nasa 35 pa lang naman si Mama eh, batang-bata pa yung itsura nya. 

''Tingin mo girl noh? Nasan na kaya yung mga walang hiyang babae na yun? Wala na kong updates eh.'' sabi nung babaeng nakaupo dun sa parang upuan dito. Nanlaki yung mata ko ng makita yung nakalagay sa shirt nya, 'SEHUN' Watdapaaaak!! Sana hindi nila ako makilala. 

Pumunta ako sa isang gilid para hindi nila ko masyadong mapansin. Kalma lang Kylie! Tumingin ka lang ng mga damit. 

''Oo nga eh. Pero ang alam ko, kasama pa rin nila yung Exo. And diba may rumor na nandito sa Pinas yung Exo? Kung totoo man yun, edi nandito din yung mga babaeng yun? Tss. Mga malalandi. Ang alam ko, exostan din yung iba dun eh.'' sabi naman ng isa nyang kasama na ang bias ay si Baekhyun. At teka nga, tinawag nya kaming malalandi? MALANDI? Ha. 

Pinuntahan ko sila dun sa kinauupuan nila atsaka tinanggal yung salamin ko kaya para silang nagulat. Hinagis ko yun sa pagmumukha nung babaeng ang bias ay si Sehun ko! 

''Wala kayong karapatang tawagin kaming malalandi dahil hindi nyo naman kami kilala eh!'' naiinis ako eh! Wala naman kaming ginagawa sa kanila tapos kung husgahan nila kami, akala nila alam nila yung nobela ng buhay namin. Kumukulo yung blood cells ko eh! 

''Diba ikaw yung isa sa mga kaibigan nung sumampal kay Yeol? Aba, pakisabi sa kaibigan mo na isa syang attention seeker, malandi, manggagamit, famewho--'' di pa sya natatapos sa sinasabi nya nung sinuntok ko sya. Kung sasampalin ko sya, mamumula lang yung pisngi nya kaya sinuntok ko para pumutok labi nya. Ang tabas ng dila neto! 

''Walanghiya ka!!'' sinugod ako nung baekhyun biased at sinabunutan kaya sinabunutan ko din sya. Away pala gusto nila ah? Di ko sila uurungan. Kakapal ng mukhang pagsalitaan si Julien ng kung ano-ano eh mas mabaho pa sa may putok yung ugali neto. Badtrip! 

365 days with ExoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon