15-Movie Marathon

152 1 4
                                    

CHANYEOL'S POV

''Hayy. Nakakapagod!!'' Sigaw ko pagkadating ko sa kwarto ko. Hinubad ko agad yung tshirt ko, sanay akong topless sa kwarto eh. Pake nyo ba? Humiga ako sa kama at nag-comforter ako. Gusto ko magpahinga. 

''Teka saan ba tayo pupunta?'' Tanong nya sakin. Napangiti ako. First anniversary namin ngayon, one year na kami ni Faye. After one week, first concert na namin dito sa Seoul kaya magiging busy na naman ako. Ang hirap ng ganito, buti nga nakaabot kami ng isang taon, alam kong maraming fans ang nagseselos kay Faye, pero, anong magagawa ko? Mahal ko sya eh.

''Ssshh. Malapit na tayo. Dahan dahan ka lang.'' Nandito kami sa Bukhansan Park. Wala namang masyadong tao dito. Walang makakakita samin. Walang makakakita sa gagawin ko, magpo-propose na ko. 

Alam kong masyado pang maaga para dito, pero alam ko sa sarili ko na sya na talaga ang babae para sakin. Mahal ko sya. Mahal nya ko. Yun ang mahalaga. 

''Dahan dahan sa pag-akyat. Magpapakasal pa tayo.'' Sabi ko. Bundok kase to, gusto ko dun ako sa taas ng bundok magpropose, wala lang, trip ko lang. Nakarating na kami sa taas. Nilatag ko yung uupuan namin tsaka yung mga pagkain. Tinulungan naman nya ko sa pag-aayos. 

''Kain na muna tayo. Gutom na ko eh.'' Sabi nya sabay pout kaya kiniss ko. Eh ang kissable kase ng lips nya. Para naman syang nagulat kaya binatukan nya ko. -_- Amazona ang future ko. 

''Aray ko naman yeobo. Sinasaktan mo na ko ah!'' Sabi ko. Natulala naman sya saglit. Ayy pabo! 

365 days with ExoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon